www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Basag na bote ginamit sa holdap

(Alvin Madan)

 

Basag na bote ang ginawang kasangkapan sa panghoholdap ng hindi nakilalang lalaki sa isang jeepney driver sa Navotas kamakalawa ng gabi.


Halos hindi pa rin makapaniwala ang drayber nang magsadya sa himpilan ng Navotas Police Station na si Salvador Castro, 34, resi­dente ng 137 E. Mariano St., Barangay Tangos, Navotas.


Sa pahayag ng biktima, alas-11:00 ng gabi, ang suspek lang umano ang kanyang sakay at pagsapit sa Gov. Pascual St., kanto ng Pitong Gatang, Sipac ng nabanggit na lungsod ay bigla na lamang siyang tinutukan ng isang basag na bote ng kanyang sakay.


Kaugnay nito, wala nang nagawa ang biktima dahil nakatutok ang bote sa kanyang leeg kaya mabilis na natangay ng suspek ang P760 na kita nito sa pamamasada bago tumakas.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section