Kunwari sa mga press release ng Malacañang
ay inaasikaso ni Arroyo ang paghihirap ng mamamayang Pilipino sa
gitna ng krisis pang-ekonomiya kung saan libu-libong OFW ang nawawalan
ng trabaho.
Pero sa totoo lang patuloy ang pagwaldas ng pera ng taumbayan sa
sariling luho kasama na ang kanyang mga alagad.
Sumulat sa aking blog si Ares Gutierrez, isang Pilipinong manunulat
na nagtatrabaho sa Gulf News sa Dubai, tungkol sa bisita ni Arroyo.
Sabi ni Ares, inis na inis raw siya nang pinakilala ni Arroyo ang
sankaterba niyang kasama.
Sabi ni Ares, “Parang naubos ang mga top politicians ng ARMM
(Autonomous Region for Muslim Mindanao). Mga sampu o sobra pa na
opisyal ang ga- ling ARMM. Nandun ang mga Ampatuans na who were
with her purportedly to witness the signing of a proclamation declaring
Eid Al Adha as a national holiday.”
“Marami pa,” sabi ni Ares. “There’s Martin
Romualdez of Leyte who was seated in front and looked clueless.
Ang sarap tanungin kung bakit ‘di nila pinapasuweldo ang mga
employees ng Journal. A few days ago one of my former colleagues
at the Journal told me that they were only given P1,500 to cover
their salary for Mar 1-15!”
Ang iba pang nakita ni Ares doon ay si Congresswoman Girlier Villarosa
ng Mindoro na nag-shopping daw pagkatapos dumalo sa pagsasalita
ni Gloria Arroyo, sina Congressman Dodo Mandanas ng Batangas, Danilo
Suarez ng Quezon. Hindi natandaan ni Ares ang iba.
Mula sa cabinet naman, ang bitbit ni Arroyo ay sina Presidential
Peace Adviser Sonny Razon, Energy Secretary Angelo Reyes, Foreign
Secretary Alberto Romulo, Trade Secretary Peter Favila, Finance
Secretary Gary Teves, Press Secretary Cerge Remonde, Labor Secretary
Marianito Roque, at Presidential Assistant Nedy Poblador.
Sabi ni Ares, “I’m supposed to attend her morning press
conference but the venue was moved to The Atlantis. ‘Di na
ko pupunta. Ang mahal ng pamasahe papunta doon. Just google what
Atlantis is and find out for yourself.”
Hinanap ko nga sa Google ang Atlantis at talaga naman, five-star
resort hotel. Sabi nga ng isang blogger, P500,000 ang isang kuwarto
bawat gabi.
Talaga namang walang krisis para sa mga nakadikit
kay Arroyo.
Ang nakapagtataka, bakit balik ng balik si Arroyo sa Dubai. Sabi
ni Remonde, kakausapin daw niya ang mga negosyante doon at mga opisyal
para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino na marami ngayon ay pinapauwi
na dahil mahina ang negosyo sa buong mundo.
Sabi ni Emmanuel Geslani, dating vice chair ng Philippine Association
of Service Exporters Inc. (Pasei), natutuyo na rin daw ang job opportunities
sa Dubai. Ibig sabihin noon, nagsa-yang lang ng pera si Arroyo.
Nagwaldas siguro ang mas tamang salita doon.
Baka naman may iba silang pakay. Sabi ng kilala kung financial officer,
madaling magpasok ng pera doon sa Dubai dahil sanay ang mga Arabo
doon sa male-maletang pera. At kapag nasa presidential flight ka,
hindi masyadong nag-iinspeksyon ang Immigration at Customs.
Preparasyon yata baka saka-sakaling mapilitan bumaba sa 2010.
* * *
Blog:www.ellentordesillas.com
E-mail:ellentordesillas@gmail.com
|