LONDON (AP) --- Lumundag si Queen Elizabeth II mula sa helicopter kasama si James Bond, nagpakwela si Mr. Bean, kakaiba ang pagsisindi ng cauldron -- maski ang cauldron mismo -- at nagmistulang concert ng mga British rock bands ang halos apat na oras na opening ceremony ng London Olympics kahapon ng madaling-araw (Manila time).
Napagsama-sama ng Oscar-winning director na si Danny Boyle ang lahat ng iconic British elements na ito para sa $42 million production na ginanap sa 80,000-crowd Olympic Stadium sa ikatlong pag-host ng Great Britain mula 1908 at 1948. |