Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang mga transaksyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Commissary and Exchange Service sa mga biniling grocery items na umabot ng P150 milyon noong nakaraang taon.
Sa report ng COA, umaabot sa P149.63 milyon ang dapat ipaliwanag ng AFP-Commissary and Exchange Services (AFP-CES) na kanilang ipinambili sa mga ibinebentang grocery items tulad ng biskuwit, cookies, noodles, junk foods, soy sauce, fruit juice powder, keso, sabong panlaba, suka, at iba pa. |