Hindi umano dapat magsaya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil babalik din ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa oras na maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa kasong plunder.
Ito ang pagtiyak ng mga senador at kongresista na nagsabing hindi matatakasan ni Arroyo ang plunder case nito na nag-ugat sa kuwestyonableng paggastos sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). |