SUNDAY, JULY 24, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

OPINION
“Artist” daw, binaboy si Kristo!
 

Marami ang namuhi at na-alta presyon nang mapanood sa telebisyon 
Ang report ng XXX at ng TV Patrol tungkol sa isang nagpakilalang “artist”
Mideo Cruz po ang pa­ngalan ng nagsasabing artist daw po siya 
Na humihingi ng tulong! Kasi raw may gustong pumatay sa kanya.


O! Kawawa naman siya, bakit naman??? Bakit titigukin ang isang artist daw? 


Porke ba nilagyan niya ng korona na hugis Mickey Mouse ang ulo ni Jesus?


Papatayin na siya? Porke ba nilagyan niya ng gamit na condom ‘yung wall display
Ng Holy Family, papatayin na siya? Ay grabe naman kayo. 


Dapat bang patayin ang isang artist kuno na nilagyan ng sculpture ng ari 
Ang larawan ng mukha ni Hesukristo? Over naman kayo!


Papatayin n’yo ba siya? Kung hindi pa siya nasiyahan na lagyan ng ari
‘Yung picture ni Jesus Christ, sinabitan pa ito ng rosaryo? 


Wala kayong awa sa tao bang ito??? Este sa taong ito!


Porke ba nilagyan niya ng itim na luha ang isa pang litrato ni Jesus Christ...


Bubugbugin n’yo na siya ‘pag nakita n’yo? Sasaksakin, bibigtiin o ihuhulog sa creek? 


Pero bago ‘yun, paiinu­min ng muriatic acid at saka babarilin ng riding in tandem? 


Grabe! Wala naman ka­yong karespe-respeto sa tulad niyang “artist”? 


Parte daw ito ng freedom of expression, ah! Kumbaga walang basagan ng trip!


Pero nagtataka ako kung bakit nagtataka siya na maraming gustong yumari 
Sa kanya at ipalamon sa kanya ang “artworks” niya. Hala ka pare ko...


Baka sa paglalakad mo magulpi ka na lang ng bonggang-bongga
Ng mga nabastos mong mananampalataya. With today’s technology, 
Naku ambilis ng balita! Kasi pare ganito...kung sabi mo may karapatan ka,
Aba, paano naman ang karapatan ng mga katoliko at ng iba pang sektang 
Naniniwalang diyos si Jesus? Paano ‘yun pare ko? Ha??? May paliwanag ka ba?


Lalo na ngayon nailabas pa sa TV, naku po diyosmio! 


Kung atheist ka man o walang diyos na kinikilala, huwag mo sanang lapastanganin 
Ang paniniwala ng iba! This is a dominant Catholic country, my boy...


Kaya ‘di kukunsintihin ang kabastusang ganito. Inumpisahan ng isang “Rowena”
Ang reklamo, posibleng mauwi ito sa indignation rally
May mga na-offend ka na hindi ito palalampasin, mga katoliko sa lahat ng 
Sulok ng bansa, tulad mo sila rin ay may karapatan bilang tao
May karapatan silang alamin kung saang kanal o pusali hinugot ang konsepto
At malaya kang ipaliwa­nag ito sa kanila...magmumog ka nga lang muna...


Marami rin akong kaibigang mga tunay na artists...pero wala namang umabot 
Sa punto na ginamit nila ang salitang “artist” para may kalayaan sila na ilabas sa publiko
Ang obra maestra na tanging baboy lang ang maniniwala na ito ay isang uri ng sining. 


One last thing, huwag kang humingi ng tulong sa media. Hindi sapat ang kakayahan
Namin para protektahan ka laban sa... kuyog, okey?


Tsika na! marclogan_newskupo@yahoo.com.  



LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.4000
Bahrain Dinar 112.461
Euro 60.8928
HK Dollar 5.44225
Japan Yen 0.539852
Saudi Riyal 11.3061
S’pore Dollar 35.0848
Taiwan Dollar 1.47161
UAE Dirham 11.5437
UK Pound 69.1229
COLUMNIST OF THE DAY
90% na pagtalima ng lahat ng LGUs sa FDP policy ng pamahalaan
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section