Nag-alsa na ang hanay ng overseas Filipino workers (OFWs) laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kung saan mahigpit na tinututulan ng mga ito ang 150 percent increase sa health premium ng mga manggagawang Pinoy na nasa labas ng bansa.
Inilunsad ng OFWs ang kanilang Global Webwide Protest to Stop PhilHealth Increase, kung saan gagamitin nila ang Facebook at Twitter sa kanilang kilos-protesta. |