WEDNESDAY, JULY 17, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Alden, nawawalan ng eksena sa chakaserye!
 (ROSE GARCIA)

Okay lang daw kay Alden Richards kahit na sa takbo ng chakaserye nilang Mundo Mo’y Akin, wala sa kanya ang sentro na ng kuwento.


Bukod sa mga natatanggap niyang komento sa isang netizen, napupuna rin naman daw niya personally.


“Napapansin ko rin naman po, kahit na kapag nanonood ako ng episode. Minsan po, wala po ako. Pero, okay lang po. Okay lang talaga kasi, hindi naman ako para magreklamo pa sa bagay na ‘yun.


“At saka, ‘yung Mundo po, talagang sa dalawang babae po talaga tumatakbo ang kuwento.”
Hindi ba siya nakakaramdam ng tampo?


“Hindi po, wala po talaga akong tampo. At least po, sa akin, nakakapag-taping pa rin po ako at may trabaho po. ‘Yun po ang importante at saka, ‘yung show po namin, masayang-masaya ko dahil mataas ang rating.”


True enough, noong Friday nga, nakakuha ito ng mataas na rating sa NUTAM with 27.9% at nanalo rin sa Urban Luzon with 33,2% and Mega Manila with 36.4%.


Sa isang banda, umaasa naman si Alden na unlike dati, inabot siya ng pitong buwan na natengga halos sa paggawa ng teleserye. Hoping daw siya na ngayong magtatapos na ang Mundo Mo’y Akin sa August, may magiging kapalit daw ito agad.


“Actually, may sina­sabi na po na niluluto raw na bagong project. Sana nga po, meron din kasunod agad. Sana po, ‘di naman abu­tin ng seven months again. Huwag naman po sanang ganun ulit.”




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.3571
Bahrain Dinar 114.987
Canadian Dollar 41.5713
Euro 56.7131
Australian Dollar39.8019
HK Dollar 5.58812
Japan Yen 0.434189
Saudi Riyal 11.5584
S’pore Dollar 34.3816
Taiwan Dollar 1.45311
UAE Dirham 11.7966
UK Pound 65.5319
COLUMNIST OF THE DAY
Kurakutan sa pork barrel
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section