SUNDAY, JULY 14, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
BALITANG VISMIN
Si lolo may lover
DINGDING LANG ANG PAGITAN!
  Ni Amihan Sabillo
 


Dahil sa kanyang kapabayaan sa tunay na pamilya, isang babaerong lolo na may dalawang lover sa iisang bubong ang kalaboso matapos na magreklamo ang orihinal nitong ‘kumander’.


Ayon kay Caraga PNP spokesperson Supt. Martin Gamba, dinakip ang suspek na si Palermo Dumanacal Capila, 62-anyos, ng Brgy. Taglatawan, Bayugan City Surigao del Norte kamakalawa dahil sa reklamo ng tunay nitong asawa na si Melchora na pitong taon nang iniwan ng suspek kasama ang anim na mga anak.


Sinabi naman ni Gamba, na nagpaalam umano ang suspek sa asawa nito na magkakaroon ng pangalawang asawa subalit ‘di pumayag ang ginang kaya tuluyan itong iniwan sa kabila ng pagbabanta na kakasuhan.


“Di daw nagsampa agad ng kaso itong ginang dahil nagbibigay naman noong una ng sustento itong mister, pero kalaunan nawala na, tapos nambubulyaw pa kapag humihingi na ng pera itong si Ginang Melchora, kaya nag-decide ito,” ani Gamba.


Dalawang babae na rin umano ang kinakasama ng suspek na kanyang sinusuportahan gayung ang mga anak na anim at asawang si Melchora ay pinapabayaan.


“Payag naman daw itong dalawang kinakasama ni Capila, na dalawa sila sa iisang bahay basta patas ang hatian at parehong ‘di pinababayaan,” paliwanag pa ni Gamba.


Agad namang nasakote ang suspek at ikinulong subalit kapwa wala sa tinutuluyan nito ang dalawang bebot na lover.


Umaabot naman sa P10,000 ang hinihi­nging piyansa sa suspek na nga­yon ay hawak na ng Bayugan City Police Station (BCPS).

 

 




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.3600
Bahrain Dinar 115.013
Canadian Dollar 41.7043
Euro 56.6642
Australian Dollar39.2907
HK Dollar 5.58860
Japan Yen 0.436360
Saudi Riyal 11.5627
S’pore Dollar 34.3593
Taiwan Dollar 1.46442
UAE Dirham 11.8063
UK Pound 65.4823
COLUMNIST OF THE DAY
“Tawa much” weekend
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section