SATURDAY, JULY 14, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

 
BALITANG ABROAD
200 patay sa ‘mass killing’ sa Syria
(AFP)

Umabot na sa 200-katao ang nasawi sa magdamag na opensiba ng government forces sa probinsya ng Hama sa Syria.


Sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights, karamihan sa mga namatay ay mula sa Tremseh village na hawak ng oposisyon.


Ayon kay Observatory chief Rami Abdel Rahman, gumamit ang go­vernment troops ng tangke at helicopters sa kanilang opensiba na ikinamatay ng 200-katao. Mahigit 30 sa mga nasawi ang nakilala na ng mga awtoridad.


Sinisisi naman ng Syrian state television sa “armed terrorist groups” ang naturang madugong masaker na binansagang “civil war” sa Syria.


Walang habas umanong binaril ang mga inosenteng sibilyan habang nililisan ang kanilang tahanan.


“I am from day one with the revolution,” ayon kay Nawaf al-Fares na siyang dating Syrian ambassador to Iraq.


Si al-Fares ay tumiwalag bilang protesta kay Syrian Pres. Bashar al-Assad at idineklara ang paganib sa Syrian rebels.


Dagdag ng diplomat, para sa kanya ay hindi na pangulo ang tingin niya kay Assad dahil isa itong kriminal sa pagpatay ng sariling mamamayan.


 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.0310
Bahrain Dinar 111.571
Canadian Dollar 41.2944
Euro 51.3131
Australian Dollar42.7373
HK Dollar 5.42367
Japan Yen 0.530672
Saudi Riyal 11.2176
S’pore Dollar 33.1180
Taiwan Dollar 1.40219
UAE Dirham 11.4569
UK Pound 64.9409
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section