WEDNESDAY, JULY 10, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ISTAYL
Ang buko!
(JOJO DE GUZMAN)
 

Isa sa maituturing na pinakamahalagang “super food” sa mundo at “most refreshing drink” ng kalikasan ang SABAW NG BUKO o NIYOG. Ito ay nagtataglay ng  napakaraming sustansiya at pinakamalinis na likido, kasunod ng tubig mismo.


Naglalaman ito ng sapat na electrolyte na potassium na pamalit kapag labis na pinawisan. Sabi nga, mas mabuti ang sabaw ng buko kaysa sa a fruit juices, soda o softdrinks at sa mga kinagigiliwang energy drinks dahil wala itong preservatives o artificial sweeteners.


Nakakatulong nang malaki kung ikaw ay nagbabawas ng timbang dahil mababa sa fat, cholesterol at chlorides. Mababawasan ang gana sa pagkain dahil pakiramdam ay busog lagi. Mahusay inumin ng mga diabetic para mapanatiling under control ang sugar level.


Ang pag-inom ng sabaw ng buko ay nakakabawas din sa pangamba ng magkaroon ng bato sa bato o kidney stones dahil sa presensiya ng minerals.


Very good source din ito ng B-complex vitamins tulad ng riboflavin, niacin, thiamin, pyridoxine, at folates. Mayaman din sa amino acids, enzymes, dietary fiber, vitamin C at mga minerals tulad ng potassium, magnesium at manganese.


Meron pa itong anti- viral at anti- bacterial properties, kaya’t sa mga may kidney stones rekomendado ng mga urologists sa buong mundo na uminon ng sabaw ng niyog every other day.


Nagpapaganda rin ito ng kutis dahil may taglay na cytokinins na may kapakinabangan sa anti aging-effects. Kapag may acne,  wrinkles, stretch marks, cellulite at eczema ipahid ito at makakatulong kuminis ang balat.

Maaring gamiting moisturizer kung oily ang inyong kutis at ayon sa mga nakaranas na nakakatulong din ito sa pagpapalambot ng inyong buhok.


Kaya’t sa susunod na uhawin ka, unahing tandaang ang coconut water dahil sakto ito sa mga pangangailangan ng katawan!




 


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.5461
Bahrain Dinar 115.489
Canadian Dollar 41.3370
Euro 56.1691
Australian Dollar39.8638
HK Dollar 5.62072
Japan Yen 0.430811
Saudi Riyal 11.6284
S’pore Dollar 34.1417
Taiwan Dollar 1.44918
UAE Dirham 11.8739
UK Pound 65.2477
COLUMNIST OF THE DAY
Panunumpa at tungkulin
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section