Pinayuhan ng isang mambabatas ang taumbayan na maging maingat sa mga kumakalat na fake bills at suriin ng maigi ang mga pera kahit ang mga galing mismo sa Automated Teller Machine (ATM).
Ayon kay House committee on good government and accountability chairman Rep. Jerry Trenas ng Iloilo City, mistulang “wildfire” aniya ang pagkalat ng mga pekeng pera tulad ng P1,000 at P500 sa iba’t ibang panig ng bansa. |