SATURDAY, JANUARY 28, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
OPINION
Pumapalakpak ang kalikasan
Editorial

Maganda itong mga pagsisikap ngayon ng pamahalaan, mula sa mga ahensyang tagapangalaga ng kalikasan hanggang sa mga lokal na pamahalaan, na paigtingin ang kampanya kontra polusyon, plastik at styrofoam.


Sa Metro Manila, kapuri-puri talaga ang paggamit ng kamay na bakal ng mga alkalde sa ilang pangunahing lungsod para tuldukan ang paggamit ng plastik ng mga business establishments gaya ng malls, grocery stores, restaurants at fastfood chains, drugstores at lahat na.


Hinagip na rin ang mga palengke. Unti-unti nang naitutulak ang pagbabalik bayong, basket, supot o sako na ginawang bag sa pamimili.

Pinapayagan lamang ang plastic bag kung ito’y dala ng mismong mamimili at hindi inisyu ng tindahan o stall o kaya para lamang sa mga basang produkto tulad ng mga isda at karne (wet section ng mga merkado).


Maging ang styrofoam ay tinutuldukan na rin sa ilang lugar sa Metro Manila. Tulad ng plastik ay daang taon din bago ito matunaw at tunay namang nakakasama sa kalikasan at numero uno pang bumabara sa mga daluyan ng tubig na nagreresulta sa mga pagbaha.


Kahapon naman ay ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang umaksyon at nagpasara ng mga establishments na hindi sumusunod sa tamang pamamaraan ng pagdidispatsa o pagtatapon ng kanilang waste products partikular ang “grease” o mantika na sa halip na magkaroon ng grease trap ay deretso umanong ibinubuga sa Laguna Lake.


Masamang-masama naman talaga ang epekto ng mga plastik, styrofoam at mga waste products ng ilang establishments sa kalikasan. Hindi rin naman bago ang kampanyang ito sa sambayanan.


Napakatagal nang panahong kinakalampag ang kooperasyon ng publiko, lalo na ng mga manufacturers at negosyante, sa kampanya para mapangalagaan ang kalikasan laban sa mga nakakasamang polusyon at kalat.


Nakakatuwa na dumarami na ang mga local officials na puspusang nagpapatupad ng mga pro-environment programs at policies.


Bukod sa pagpapasa ng mga ordinansang magtataguyod ng programa at polisiyang ito, nagposte rin sila ng mahal na multa at mabigat na parusa sa mga lalabag dito at panghuli ay seryosong inilalapat ang parusa at multa.


Basta naman talaga sasamahan ng political will at “lagay free” na kampanya, siguradong magtatagumpay ang kampanyang mangangalaga at sasagip sa kalikasan.


Ang kailangan lang talaga ay seryosohin at isapuso ang kampanya. At ang pinakamahalaga, lahat tayo ang bawat isa sa atin ay makibahagi sa kampanya. Simulan natin sa ating sarili, “SAY NO TO PLASTIC!”

LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.7800
Bahrain Dinar 113.467
Euro 56.0523
HK Dollar 5.51429
Japan Yen 0.555279
Saudi Riyal 11.4074
S’pore Dollar 34.0179
Taiwan Dollar 1.43187
UAE Dirham 11.6465
UK Pound 67.0436
COLUMNIST OF THE DAY
Ang problema ng Dagupan

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section