SATURDAY, JANUARY 28, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
TOP STORIES
BANGKAY, YAMAN
NI IGGY PINAG-AAGAWAN
Ni Bernard Taguinod
 

Kinumpirma kahapon ng kampo ni yumaong Negros Occidental Rep. Ignacio ‘Iggy’ Arroyo na nakikipag-agawan sa mga labi nito ang kanyang pangalawang asawang si Alicia Morales-Arroyo.


“Nagulat ang pamilya doon sa report na lumabas na nagke-claim ang kanyang second wife na si Alicia Morales,” pahayag ng chief of staff (COS) ni Arroyo na si Edgar ‘Bong’ Ruado.


Ayon kay Ruado, limang taon na umanong hiwalay si Arroyo kay Morales-Arroyo at hindi na umano ito nagpakita sa mambabatas simula noon kaya “galit ang pamilya Arroyo” sa babae.


Hindi naman magtataka ang ilang malapit sa namayapang kongresista kung sa huli ay maging mainit din ang isyu ukol sa tunay na mga tagapagmana ng naiwang mga ari-arian ni Cong. Arroyo, kasama ang kontrobersyal na “Jose Pidal” bank account na inako nito sa gitna ng alegasyong ito’y pag-aari ni dating Unang Ginoo Mike Arroyo na kanyang kuya.


Inamin ni Ruado na sa ngayon ay si Grace Ibuna, dating kasintahan ni Gabby Concepcion, ang “partner” ng mambabatas at karamay nito sa London kung saan ito na-cardiac arrest habang nagpapagamot ng sakit sa atay.


“Technically married sila (Iggy at Alicia) pero 5 years na silang hiwalay at hindi nagkikita kaya nagulat na lang ang pamilya na nagpa-interview siya at gusto niya sa bahay niya yata iburol si Congressman Arroyo,” ani Ruado.

Cease and desist order ---Pinipirmahan ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Sec. Neric Acosta ang naka-tarpaulin na cease and desist order laban sa King Sue Ham and Sausage Co. na matatagpuan sa No. 402 Tandang Sora St. corner 1st Ave., West Grace Park. Calooocan City dahil sa pollutive waste water facilities na isa umanong paglabag sa Clean Water Act of 2004. (Art Son)

Nasa proseso na umano ang annulment case umano nang mag-asawa kung saan mayroon silang anak na babae na 14-anyos na sa kasalukuyan.


Sa ngayon ay nasa London na ang panganay na anak ni Arroyo sa unang asawang si Marilen Jacinto na si Bianca Jacinto Arroyo para asikasuhin ang mga papeles para maiuwi ang mga labi ng mambabatas.


“Nasa London na si Bianca and mga kaanak ni Congressman Iggy para mag-ayos ng papeles sa pagpapauwi sa mga labi ni Congressman,” ayon pa kay Ruado.

 


Nang tanungin si Ruado kung ano ang desisyon ng mga kapatid ni Arroyo, sinabi nito na ayaw magsalita o patulan ang paglutang ni Alicia.


“Ayaw muna nilang pag-usapan ang isyung ito kay Alicia. Nag-appeal lang sila na irespeto muna ang pagdadalamhati nila,” dagdag pa ni Ruado.


Ilang oras makaraang pumanaw ang kongresista ay nasa telebisyon na si Alicia upang ipaalam sa publiko ang labis niyang kalungkutan at pagdadalamhati ng dalagitang anak nila ni Cong. Arroyo.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.7800
Bahrain Dinar 113.467
Euro 56.0523
HK Dollar 5.51429
Japan Yen 0.555279
Saudi Riyal 11.4074
S’pore Dollar 34.0179
Taiwan Dollar 1.43187
UAE Dirham 11.6465
UK Pound 67.0436
COLUMNIST OF THE DAY
Ang problema ng Dagupan

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section