SATURDAY, JANUARY 28, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
LUZON NEWS
Riding-in-tandem bumulagta
(JB Salarzon)
 

Patay ang riding-in-tandem makaraang maki­pagbarilan umano ang mga ito sa mga humabol sa kanila na pulis sa Barangay San Francisco, Biñan City, Laguna kahapon.


Ayon kay Sr. Supt. Arnel Escobal, director ng PNP-Highway Patrol Group-Laguna, hindi pa nakikilala ang mga suspek dahil walang dalang identification card ang mga ito. Dead-on-the-spot ang dalawa at narekober sa mga ito ang dalawang pistol.


Sinabi ni Escobal na pinara ng kanyang mga tauhan ang dalawa na sakay ng isang motorsiklong walang plaka na nag-menor naman sa harapan ng checkpoint pero pagtapat ay biglang binira ng drayber ang silinyador ng motorsiklo.


Dito na humabol ang mga pulis dahil napansin nilang may nakabukol na bagay sa kanilang bewang. Pagdating sa lugar ay tumigil umano ang dalawa at naglabas ng baril at pinutukan ang mga humahabol na pulis na nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.7800
Bahrain Dinar 113.467
Euro 56.0523
HK Dollar 5.51429
Japan Yen 0.555279
Saudi Riyal 11.4074
S’pore Dollar 34.0179
Taiwan Dollar 1.43187
UAE Dirham 11.6465
UK Pound 67.0436
COLUMNIST OF THE DAY
Ang problema ng Dagupan

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section