SATURDAY, JANUARY 28, 2012   ARCHIVES ABOUT US
 
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
KARTADA 5
Solon na-star struck
 

 

Muntik nang hindi makapagpigil ang isang babaeng mambabatas na lapitan at halikan ang isang magandang lalaking mambabatas nang magkaharap ang mga ito sa isang pagpupulong.


Sa sitsit kay Mang Teban, mistulang na-star struck ang naturang babaeng mambabatas nang makita nito ang bagitong mambabatas na nakahalubilo sa kumpul-kumpol na mga may edad nang mambabatas.


Sabi-sabing nanlaki ang mata ng bebot na mambabatas nang lumapit ang bagitong mambabatas na unang inakala nito na chief of staff subalit laking gulat nang magpakilalang miyembro ng Kongreso.


Maging ang nasabing bagitong mambabatas ay nagulat sa tinuran ng babaeng mambabatas kung saan nanginginig na iniabot ng una ang kamay sa huli at nakipagkamay.


Pigil-hiningang nagkatitigan ang dalawang mambabatas bago tulu­yang nagkalayo sa isa’t isa kung saan mistulang binuhusan ng malamig na tubig ang bebot na mambabatas bago nagbalik sa normal.


Habang ang bagitong mambabatas ay nahiyang nagtago sa likod ng mga kapwa nito mambabatas upang hindi mahalata.


Sabi pa ng sitsit na dahilan sa pagiging may pananagutan na ang bagitong mambabatas ay umiwas ito sa bebot na mambabatas bago sineryoso ang motibo ng pakikipagpulong ng mga ito.


Kilalanin. Ang nasabing bebot na mambabatas ay ka­bilang sa de-kalibreng abogado habang ang bagitong mambabatas ay kilala sa Kongreso na isa sa may magagandang mukha kung kaya’t kinalolokohan ng mga bebot na nakakakita rito.

 

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.7800
Bahrain Dinar 113.467
Euro 56.0523
HK Dollar 5.51429
Japan Yen 0.555279
Saudi Riyal 11.4074
S’pore Dollar 34.0179
Taiwan Dollar 1.43187
UAE Dirham 11.6465
UK Pound 67.0436
COLUMNIST OF THE DAY
Ang problema ng Dagupan

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section