| ENTERTAINMENT |
| |
- JOJO GABINETE: Cloie, gustung-gustong makita si Gabby
- ALFIE LORENZO: Pacquiao, tumulong sa batang tinubuan ng bukol sa pisngi
- JUN NARDO: Jennylyn, ‘di ipapalit kay Iza sa Eat Bulaga!
- REY PUMALOY: Perang dala ng misis ni Sen. Lapid sa US, gagamitin daw sa operasyon?
- JOE BARRAMEDA: OYO, ‘DI APPROVED KAY PAULEEN PARA KAY VIC!
- Ex-matinee idol, ‘nangiwi’ ang mukha sa sobrang bisyo!
- Juday, John Lloyd, gusto agad makatrabaho ni Iza sa ABS-CBN!
- Sharon, proud sa ‘pasilip puwet’ ni KC sa magazine!
- Motorista, nairita sa shooting ng ‘Bourne Legacy’
- Lee Min Ho suportado ng Pinoy
- Regine, ikinumpara ang sarili sa hayop!
- It’s more fun in “Showtime”!
|
|
|
May kinalaman siguro ang feng shui kaya 4 p.m. din nang pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment noong Huwebes ang mag-inang Jenny at Cloie Syquia.
Tatlong taon ang exclusive contract nina Jenny at Cloie sa entertainment company ni Boss Vic del Rosario at ng anak nito na si Veronique del Rosario-Corpuz.
Ipinagmalaki ni Boss Vic na first time na may mag-ina na sabay na pumirma sa Viva Entertainment.
Dati nang contract star si Jenny ng Viva Films kaya hindi siya nagdalawang-isip na bumalik sa kanyang home studio.
Sa tulong ng Viva Entertainment, confident si Jenny na magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng kanyang anak na maging commercial at print model.
Halata ang excitement sa mukha ng mag-ina sa sinabi ni Boss Vic na puwedeng gumawa si Cloie ng commercial, kasama si Jenny o ang kanyang half-sister na si KC Concepcion.
***
Marunong kumanta si Cloie at pinagbigyan niya ang request ng entertainment press na magbigay siya ng sample. Naaliw ang press kay Cloie dahil ang Chinese version ng theme song ng The Lion King ang kanyang kinanta.
Marunong magsalita ng Mandarin ang 17-year old daughter nina Gabby at Jenny dahil nag-aaral siya bilang scholar sa isang university sa Beijing, China.
Tomorrow, Sunday, special guest si Cloie sa ASAP 2012 at magkakaroon sila ng duet number ni KC. Ang guesting ni Cloie sa ASAP 2012 ang unang live TV appearance niya na kasama ang kanyang half-sister.
***
Hindi nakaiwas sina Jenny at Cloie sa mga tanong tungkol kay Gabby. Nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang ex-husband, “I’m happy for him. I hope he’s happy for me. I’m sure he is. I have moved on,” ang mabilis at medyo emosyonal na pahayag ni Jenny.
“I love to see him. I missed him through all those years,” naman ang sabi ni Cloie tungkol sa kanyang estranged biological father.
Two years-old si Cloie nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang pero hindi niya nalilimutan ang sorpresa ni Gabby noong maliit pa siya.
Ikinuwento ni Cloie na natatandaan niya na nasa isang hotel siya nang dumating si Gabby, kasama si Barney, ang loveable purple dinosaur character na kanyang paborito.
***
Kumalat ang balita na sumakabilang-buhay si Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo, ilang minuto bago ang contract signing nina Jenny at Cloie sa Viva Entertainment.
Walang pinalampas na isyu ang mga reporter na kaharap ng mag-ina dahil tinanong din sila tungkol sa untimely demise ng long time companion ni Grace Ibuna, ang ina ni Garie Concepcion na half-sister ni Cloie.
Understandable ang pagtataka na rumehistro sa mukha nina Jenny at Cloie dahil clueless sila sa lovelife ng ina ni Garie. To put it bluntly, it’s none of their business.
***
Ayaw solohin ni Jenny ang credit sa maayos at matino na paglaki ni Cloie. Hindi nakalimutan ni Jenny na pasalamatan ang kanyang Swedish husband na si Filip Skarne dahil ito ang ama na nagisnan ng kanyang anak.
Malaki raw ang participation ni Filip kaya lumaki na mabait at magalang si Cloie. Walang alam si Filip tungkol sa entertainment industry sa Pilipinas pero siya ang excited na excited sa modeling career ni Cloie at sa pagpirma nito sa Viva Entertainment.
|