SATURDAY, JANUARY 28, 2012   ARCHIVES ABOUT US
 
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
LOCAL NEWS
FASTFOOD CHAIN, PABRIKA SINALAKAY NG LLDA
Saida Sabiano

Puwersahang inatake at binitbit si Wilmer Tuyo ng Quezon City Police Station 10, EDSA Kamuning, QC nang magwala at pagbabasagin ang bowl sa palikuran upang ipambato sa mga pulis. (Mike Taboy)

 

 

Dalawang establisye­mento kabilang na ang isang sikat na fastfood chain ang sinalakay ng mga opera­tiba mula sa Laguna Lake Development Autho­rity (LLDA) upang ihain ang Cease and Desist Order kaugnay sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act.


Pinangunahan ni LLDA General Manager at Presidential Adviser for Environmental Protection Neric Acosta ang  paghahain ng nasabing kautusan sa sa­ngay ng McDonalds sa lungsod ng Pasig at sa King Sue Ham Factory sa Caloocan.


Tiniyak naman ng pamunuan ng McDonalds na lahat ng iba pa nilang nag-ooperate na restaurants ay nasa tamang pagtugon sa lahat ng regulasyon ng pamahalaan.

“We are in the process of updating and installing waste water system in accordance to the stipulations under the Clean Water Act. During this process, we would like to assure all our customers that the water used in the preparation and sanitation of all our food products are safe and clean,” paniniyak ng McDonalds Philippines.


Sinabi naman ng ma­nagement ng King Sue Ham Factory na simula 2010 nang una silang bigyan ng notice ng LLDA kaugnay sa mataas na BOD content ng kanilang wastewater ay sinisikap nilang mapababa ito upang makatugon sa standard ng ahensya.


Ayon kay Acosta, ang dalawang nabanggit na establisyemento ay kapwa lumabag sa umiiral na Republic Act 9275 o ang Clean Water Act of 2004.


Ang dalawang establisyemento ay kapuwa lumagpas sa 50 allowable Biochemical Oxygen Demand (BOD) content ng kanilang wastewater at hindi pagpasa ng kanilang water treatment facility sa standard na itinakda ng batas.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.7800
Bahrain Dinar 113.467
Euro 56.0523
HK Dollar 5.51429
Japan Yen 0.555279
Saudi Riyal 11.4074
S’pore Dollar 34.0179
Taiwan Dollar 1.43187
UAE Dirham 11.6465
UK Pound 67.0436
COLUMNIST OF THE DAY
Ang problema ng Dagupan

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section