|
Itinuturing na isang landmark judgment ang inilutang na desisyon ng Court of Appeals (CA) sa Singapore matapos umanong paboran ang isang Pinay na sa simula pa lamang ay wala nang bisa ang kasal pero napagkalooban pa rin ng share sa matrimonial assets sa kabila na nakipagdiborsyo ito sa isang Briton.
“The woman, a Filipina, had married a Briton in 1995, but it emerged later that they had wed before her first union with a Japanese had been officially dissolved,” ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa Singapore.
Dahilan umano rito ay pinawalang-saysay ang second marriage ng Pinay bunsod ng bigamy. Pero hindi umano ito batid ng Pinay kaya nang manlamig ang kanyang second marriage ay napagkalooban ito ng divorce sa isang uncontested hearing noong 2003.
“When she sued for a share of the matrimonial assets, her husband sought to set aside the divorce, on the grounds that since the marriage was invalid, he did not have to give her anything,” nakasaad pa sa ulat.
|