WEDNESDAY, JANUARY 23, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Iza, ‘di aware na ‘tinalbugan’ siya ni Andi!
Jojo Gabinete 

Thankful si Iza dahil tumagal ng 7 months ang teleserye nila at marami siyang natutunan mula sa kanilang direktor na si Wenn Deramas.

Ayon kay Iza, na-challenge nang husto sa Kahit Puso’y Masugatan ang kanyang pagiging aktres at sa pagwawakas ng teleserye, naniniwala siya na “she will come out as a better actress.”


Hindi pa alam ni Iza ang kanyang next drama series sa ABS-CBN pero kinumpirma niya na matutuloy na ang second season ng The Biggest Loser Pinoy Edition. Si Iza ang host ng The Biggest Loser Pinoy Edition na magsisimula sa March 2013.


***


Natawa sina Iza at Andi Eigenmann sa intriga na nagsasapawan sila sa kanilang mga eksena sa Kahit Puso’y Masugatan. Hindi inisip ni Iza na sinapawan siya ni Andi at lalong hindi niya naramdaman na sinadya ng kanyang co-star na talbugan siya.


Malakas daw talaga ang dating ng karakter ni Andi na dinugtungan nito ng “If ever man na ganoon ang lumabas, hindi po ako aware.”


Ang pelikula ng Viva Films na pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion ang upcoming project ni Andi, pagkatapos ng Kahit Puso’y Masugatan. Komportable na si Andi kay Gabby dahil ito ang gumanap na adoptive father niya sa nabanggit na tele­serye ng ABS-CBN.


***


Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Menor De Edad, ang launching movie ni Meg Imperial.

Ngayon ang showing sa mga sinehan ng Menor De Edad kaya normal na makaramdam ng kaba si Meg dahil nakasalalay sa box-office success ng pelikula niya ang kapalaran ng kanyang acting career.


Ginawa ni Meg ang lahat sa kanyang launching film, naghubad, naki­pag­lampungan at nakipag­tagisan ng pag-arte kina Ara Mina at Wendell Ramos.

Umaasa si Meg na ang box-office success ng Menor De Edad ang magiging kapalit ng kanyang mga pagsisikap.


***


May offer na television show ang GMA News TV kay Atty. Persida Acosta pero hindi nito matanggap ang alok dahil napapanood pa rin sa Aksyon TV ang replays ng kanyang public service program, ang Public Atorni na dating napapanood sa TV5.


Besides, sinabi ng management kay Atty. Acosta ang plano na ituloy ang Public Atorni para lalong palakasin ang Aksyon TV, ang news channel ng Kapatid Network.


Ayon kay Atty. Acosta, hindi siya nagtatampo sa nangyari sa Public Atorni dahil mas mahalaga na ma-promote niya nang husto ang public service at matupad ang kanyang mga advocacy.


Pamilyar na pamilyar kami sa Public Atorni dahil nasubaybayan namin ang dalawang taon na airing nito sa TV5 (September 2010 to May 2012) bago inilipat ang programa sa Aksyon TV .

Maraming natulungan na tao at nalutas na kaso si Atty. Acosta kaya gusto namin na ibalik ito sa TV5 para mas marami ang makapanood.


Si Atty. Acosta ang chief ng Public Attorney’s Office. Hindi niya itinanggi ang balita na may mga sikat na personalidad na lumalapit sa kanya at humihingi ng lib­reng tulong, Isa lang ang itinuwid ni
Atty. Acosta, ang tsismis na nilapitan siya ng isang vete­ran actress para sa kanyang libreng serbisyo.

Nilinaw ni Atty. Acosta na walang katotohanan ang balita na nakipagkita sa kanya ang aktres para hawakan ng kanyang opisina ang mga kaso ng huli.

Nagpapasalamat ang cast ng Kahit Puso’y Masugatan sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa kanilang drama series na magtatapos sa February 1.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter

FOREX
US Dollar 40.6801
Bahrain Dinar 107.888
Canadian Dollar 41.0235
Euro 54.2860
Australian Dollar42.9271
HK Dollar 5.24663
Japan Yen 0.456489
Saudi Riyal 10.8470
S’pore Dollar 33.1644
Taiwan Dollar 1.40377
UAE Dirham 11.0751
UK Pound 64.5218
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section