Dalawang buwan lang ang dapat na itagal ng presentasyon ng ebidensya sa magkabilang panig sa idinaraos na impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, ayon kay Senador Juan Ponce Enrile.
“Ang aking estimate, kung talagang skillful ang magpipresenta ng ebidensiya, it will take a month. Pagkatapos noon, ‘yung defense will have a month to present their evidence,” pahayag ni Enrile kahapon sa panayam sa radyo.
|