SATURDAY, JANUARY 22, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

MEGALOTTO 6/45 DRAW
January 21, 2011

24-34-39-23-14-12
P12,008,683.80

4-DIGIT 6-6-0-2

11AM SUERTRES 0-8-7
4PM SUERTRES 7-2-0
9PM SUERTRES 3-6-2

EZ-2 11AM
16-02

EZ-2 4PM
15-05

EZ-2 9PM
10-01

TAMA KA BA?

Tanong:

Ano ang iba pang tawag sa roman god na si Cupid? (Sagot bukas)

Sagot kahapon:

King Charles V

SERIOUSLY!?

BOYFRIEND: Hon, paano kung malaman mo na may ibang babae akong mahal?


GIRLFRIEND: Wala lang… huhugurin ko lang ang throat mo, tapos, isasaksak ko sa baga mo. Then, babalatan kita at lalagyan ng asin saka kalamansi ang flesh mo.

Tapos, ‘yung sword of glory mo, puputulin ko at isasabit ko sa door namin… Why?


BOYFRIEND: (nilunok ang laway) Curious lang! I love you!

OPINION
Justice system muna
 

 

Sapul na sapul ni Justice Sec. Leila de Lima ang tamang kaisipan dito sa panukalang balik-bitay. Hindi raw kasi pupwede ito hangga’t hindi deretso at epektibo ang ating justice system.


Ang justice system, kung hihimayin ay binubuo ng limang haligi (pillars). Nagsisimula ito sa pulis bilang mga imbestigador ng kaso; ang piskalya na siyang unang sisipat sa kaso at bubusisi kung merong prima fascie evidence ang isang kaso; pa­ngatlo ang hukom at mga mahistrado na siyang lumilitis at nagbababa ng hatol sa kasong inaak­yat sa kanila; pang-apat, ang mga kulungan kung saan dapat hinuhubog muli ang na­lamatang pagkatao ng isang convict; at panlima, ang mismong lipunang ating ginagalawan.


Kahit isa man lang sa mga hali­ging ito ang kapitan ng anay at magsimulang mabulok, pilay na pilay na ang buong sistema. Guguho ang pagtitiwala rito ng taumbayan at mawawalan ng saysay ang pagha­hanap ng katarungan, kapwa ng mga biktima ng krimen at ang mga nahuhuli at inaakusahan.


Tandaan sana natin na ang sinumang akusado ay inosente sa mata ng batas at hustisya hangga’t hindi napapatunayan ng hukuman na ito ay nagkasala at dapat maparusahan.


Kaya ang papel ng justice system ay napakahalagang maging balanse hanggang sa kahuli-hilihang araw ng paghaharap ng mga ebidensya at testigo. Hindi ito dapat nakakiling kaninuman sa biktima o suspek.


Ito rin ang pakahulugan kung bakit ang babaeng may hawak ng timbangan (na simbolo ng hustisya) ay nakapiring ang mga mata.


Kung kayo ang tatanungin, sa tingin n’yo ba ay matuwid at epek­tibo ang umiiral na katarungang panlipunan sa ating mahal na bayan?


Nakapiring nga ba ang mata ng mga pulis, ng mga piskal, ng mga hukom at mahistrado at ng mga jail officials para masigurong mailalapat ang katarungan nang patas para sa lahat?


Malinaw ang punto ni Sec. De Lima. Hindi parusa o batas ang problema kundi ang mismong justice system. Sa pagkaintindi namin dito, hindi lang siguro maderetso ng kalihim, hangga’t may nabibiling mga pulis na nagtatanim ng ebidensya o naghohokus-pokus ng imbestigasyon; o hangga’t may mga piskal at hukom/mahistrado na tumatanggap ng “under the table” settlement para magbenta ng desisyon sa hawak ng kaso: hangga’t may mga jail warden na nagbibigay ng VIP treatment sa mga ‘bigtime’ na preso; at hangga’t ang lipunan ay walang pakialam at nagkakanya-kanya para sa pansariling interes…hindi pwede ang parusang bitay!


Kaawa-awa ang mga walang pera at walang impluwensya. Sila lang ang kayang bitayin ng sistemang ito.


Kaisa ni Sec. De Lima, makikisulong kami sa pagsisimula ng malawakang reporma sa ating justice system.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 44.6604
Bahrain Dinar 118.475
Euro 60.1823
HK Dollar 5.73712
Japan Yen 0.538562
Saudi Riyal 11.9114
S’pore Dollar 34.6682
Taiwan Dollar 1.52953
UAE Dirham 12.1614
UK Pound 71.0324
COLUMNIST OF THE DAY
 
HOME TOP
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section