D.P. ang initials ng babae na diumano’y
naanakan ng sikat na aktor.
Wanted ng staff ng isang talk show ang babae
dahil gusto nilang mapatunayan kung totoo o hindi ang kumakalat
na balita.
May nakapagsabi sa talk show staff na mahihirapan sila na matunton
ang kinaroroonan ng babae dahil walang dahilan para magsalita siya
laban sa aktor.
Reportedly, good provider ang aktor sa lovechild nila kaya walang
maisusumbat sa kanya na masama ang ina ng bata.
Isang malapit sa aktor ang nagsabi na na-meet niya noon si D.P.
pero hindi siya sigurado kung may relasyon at nagkaroon ng anak
ang dalawa.
Matagal na raw niyang hindi nakikita ang babae.
Nagkaroon ng pag-asa ang staff ng talk show na may bahid ng katotohanan
ang kuwento na pilit nilang binubuo dahil sa impormasyon na kanilang
natanggap mula sa kaibigan ng aktor.
***
Showing na bukas sa mga sinehan ang P.S. I Love You ng New Line
Cinema. Mga bida ng P.S. I Love You sina Hillary Swank at Gerard
Butler, ang aktor na napansin sa pelikulang 300.
Hindi yata alam ng New Line Cinema people na hindi bago sa mga Pilipino
ang title ng pelikula nina Hillary at Gerard dahil P.S. I Love You
rin ang pamagat ng 1981 movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Magugustuhan ng hopeless romantic Pinoys ang kuwento ng P.S. I Love
You nina Hillary at Gerard. Kasama rin sa cast si Harry Connick,
Jr. na darating sa Pilipinas sa March 15, 2008 para sa concert niya
sa PICC.
***
Naka-post sa Internet Movie Database (IMDB) ni Sharon Cuneta na
Hula ang pamagat ng pelikula na gagawin nila ni Richard Gomez sa
GMA Films.
Si Chito Roño ang direktor ng project na under sa drama-horror-romance
genre. Co-stars din sa Hula sina Marky Cielo at Glaiza de Castro.
Nakalagay sa production notes ng IMDB na nasa pre-production status
ang Hula at inaayos pa ang casting at schedule kaya subject
to change pa ang ibang mga data.
***
Samantha Alexis ang pangalan ng pang-apat na anak ni Gabby Concepcion
sa kanyang asawang si Genevieve Yatco Gonzales. Sa interbyu ng Showbiz
Central sa ama ni Gabby, ikinuwento ni Rollie Concepcion na tatay
na uli ang kanyang anak at tulad ng mga apo niya kay Gabby, kamukhang-kamukha
nito si Samantha Alexis (Note:
Lumabas na noon sa TV ang lovechild ni Gabby kay Grace Ibuna pero
hindi siya kamukha ng kanyang ama).
Kinumpirma ni Rollie na gagawa ng pelikula sa GMA Films ang kanyang
anak at excited na ito sa pagbabalik-showbiz.
Sa email noon ni Gabby para sa kanyang mga tagahanga, ikinuwento
niya ang mga alaala sa showbiz:
I will always remember vaguely the memories less desirable and vividly,
the memories worth remembering in my youthful 13 years in Philippine
Cinema.
Indeed, it has set a milestone in my life. Life moves so fast. Life
and Time is fleeting. Because of this, I believe we will and can
forget valuable moments especially if we do not capture those moments
in some form of photo/print or picture. Because of pictures, I can
remember wonderful forgotten events in my life in this business.
Perhaps the compilation and contribution of pictures thru this website
may find me surprised that a great life was lost because of memory
deletion or selective memory took over.
True enough, I have enjoyed some of the pictures Mary has posted
on the GALLERY. Please send pictures with YOU and if you have some
from the shootings, tapings, shows, clippings or events of
‘the times.’
However, I have chosen a quiet and less complicating life in the
UNITED STATES, away from the intrigue of the Philippine showbiz
circus.
I would like to let everyone know; especially those who have
written and those who are shy to write from all over the world,
that I appreciate your support and never ending HOPE to see me back
in the ARENA.
I will pray and HOPE that some of our questions be answered.
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|