Pormal nang pumasok sa quarterfinals ang Coca-Cola
Tigers nang kanilang sipain sa ikalawa at pinakahuling round ng
wildcard phase ang Air21 Express, 109-102, kahapon sa 33rd season
ng Smart PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.
Sa kanyang pinakaimpresibong laro ngayong kompirensiya
umusok si John Arigo upang magtapos ng 23 points mula sa 8-of-10
field goal shooting at 3-of-4 mula sa three point area para sa Tigers,
na makakatapat sa best-of-three quarterfinals showdown ang Alaska
Aces.
Nagawa pang manakot ng Express sa huling 20.3
segundo ng laro nang makasuwak si Arwind Santos ng three-pointer
para makalapit, 105-102. bumawi naman ng dalawang freethrows si
Coca-Cola rookie Ronjay Buenafe may 14.4 segundo na lang.
Sumablay naman ang tres ni Santos sa sumunod
na posesyon at isinara na ni Alex Cabagnot ang laban sa pagtudla
ng dalawa pang foul shots.
Ang Red Bull Barakos at ang Magnolia Beverage
Masters naman ang magkakasubukan sa iba pang quarterfinals pairing
habang naghihintay naman sa best-of-seven semifinals ang Purefoods
Tender Juicy Hotdog Giants at ang Sta. Lucia Realtors.
Lumayo kaagad ang Coca-Cola sa ikalawang canto
nang magsuwak ng back-to-back three pointers si John Arigo upang
iagwat ang Tigers, 47-26, may 5:44 pa sa quarter at itinuloy pa
ito upang manatili sa unahan, 59-44, sa halftime.
Samantala. sa pagtatapos ng 18-game double-round
eliminations ay nangunguna para sa Best Player of the Conference
si Santos ng Express sa kabuuang 37.7 statistical points sa average
na 20.7 points, 11.5 rebounds, 2.3 assists, 1.2 steals at 1.3 blocks
per game.
Malakas naman ang laban ni Ryan Reyes ng Realtors
sa nakuhang 27.3 SPs kabuntot ang No.1 Draft pick na si Joe Devance
(26.0) ng Welcoat Dragons.
|