DAVAO CITY --- Nawalan ng P69,000
ang opisina ng kahera ng isang ospital sa Maasim, Sarangani Province.
Sa ulat ng Maasim Police giniba ng hindi pa nakikilalang magnanakaw
ang drawer sa loob ng opisina ng kahera ng Maasim Municipal Hospital
noong umaga ng Enero 17.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang empleyado ng opisina ng
kahera ang unang nakadiskubre sa naganap na pagnanakaw.
Sinabi ni Maricris David, 31, nabigla na lamang siya nang makita
na bukas na ang drawer na naglalaman ng nasabing halaga ng koleksyon
ng ospital.
Nakakita ng ilang fingertips ang awtoridad sa loob ng cashier na
posibleng mula sa akusado at kanila na itong iniimbestigahan.
Inside job ang isa sa mga pangunahing anggulo ang tinitignan ng
pulisya sa naganap na pagnanakaw.
|