Labing-anim na katao ang sugatan nang aksidenteng
mahulog ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeep kahapon ng
madaling-araw sa bayan ng Labo, sa Camarines Norte.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala
ang mga biktima na sina Sonny Asis, Arjay Enaje, Maribel Esperas,
Monette Mancenido, Marvin Tabor, Junel Tagala, Rommel Besola, Angelie
Doroja, Jess Marvilla, Nenita Aloc, Erwin Rafon, Eliza Arsino, Dolores
Banzuela, Jaime Cepe, Ronald Palad at Naty Tagala.
Patungo ang mga biktima sa bayan ng Daet nang maganap ang insidente
dakong alas-5:00 ng madaling-araw habang binabaybay ng pampasaherong
jeep na may plakang EVE-918 ang Maharlika Highway sa Barangay Canapawan.
Unang sumabog ang gulong ng jeep hanggang magtuluy-tuloy ito sa
bangin.
Himala namang walang nasawi sa mga sakay ng pampasaheeong jeep kung
saan pawang sugat lamang ang mga tinamo ng mga ito na agad namang
naisugod sa Camarines Norte Provincial Hospital at Sta. Elena Hospital.
|