www.abante-tonite.com
   
MAMUNGA MAMULAKLAK AT HUMALIMUYAK KA!!
TImmy Cruz

 



“Tanungin natin si Timmy kung saan nanggagaling ang mga SWEET songs na kinanta niya!!” sabi ng friend ko na si Sister Salud ng Brahma Kumaris World Spiritual University. Iba’t ibang mga religious groups ang nag attend ng birthday celebration ng founder ng university sa Tagaytay last January 15: mga brothers, sisters at mga nuns and priests, mga fathers and mothers and friends from the local gov’t and teachers and professors.


Binigay sa akin ang microphone sa bandang huli ng program: “Alam po ninyo, ang original na hilig ko po ay gardening. Mahilig po akong mag garden kaya ako napadpad ng Tagaytay. Yung garden ko nabuo dahan-dahan at ngayon magandang-maganda na. Nag-lalandscape ako, garden artist ako. MAY INNER GARDEN TAYONG LAHAT. Ang CHALLENGE KO SA SARILI KO kung ano yung beauty sa garden na nakikita ko dapat 100times pa ang ganda ng aking kalooban. Ang mga songs na inaawit ko ay galing sa inner garden ko na binibigay sa akin ni Lord at ako lang ang sumusulat!!”


KUMUSTA ANG INNER GARDEN MO? Maayos ba? Malinis ba? Malago ba? Mapayapa ba? masaya ba? Pag inimbita mo ako sa inner garden mo, mararamdaman ko ba ang pagmamahal? Kung ang sagot sa mga katanungan ay YES!! Friend, you are on the right track. Kung ang sagot ay MINSAN O HINDI, panahon ng bisitahin mo ang inner garden mo at linisin, ayusin, baguhin ang design at ipa-landscape mo ng ulit sa MASTER LANDSCAPER--ANG DIYOS, ANG AMA NATING LAHAT.


“Panginoong Diyos, tulungan mo akong magkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang inner garden ng puso, isip at kalooban ko. Linisin, ayusin, baguhin mo po ako para ako ay gumanda, lumago, mamulaklak at makinabang sa mga bunga ng magandang pagkatao ko para mabigyan ko rin ng pakinabang ang mga tao sa buhay ko at ang mundong ginagalawan ko. Tulungan mo akong maging masunurin sa iyo.  Gupitin, putulin, alisin mo lahat ng mga damo at sangang walang silbi sa garden ko at diligan mo ako para ako ay mamunga nang mamunga, mamulaklak nang mamulaklak!! 


Ang beauty ng inner gardening ay kahit tumatanda ka na at unti- unti ka ng nangungulubot, hindi nahahalata kasi ang GANDA-GANDA NG PUSO MO at ito ang mas nakikita ng mga tao, ito ang mas nararamdaman. Kaya tara, MAG INNER GARDENING NA TAYO!! Puntahan mo ang garden ng puso at isip mo araw- araw at palitan ang mga halaman ng thoughts mo, magtanim ng: PEACE, LOVE, HAPPINESS, GOOD THOUGHTS, GOOD WISHES, GOOD FEELINGS, GOOD EMOTIONS, GOOD ACTIONS, GOOD WORDS, GOOD EXPERIENCES! 


KUNG ANO ANG NASA LOOB MO, YUN ANG LALABAS SA SALITA, SA ACTIONS MO!  Kung peace, love, happiness ang nasa loob mo, peace, love happiness din ang lalabas sa iyo!! MAG-INNER GARDENING NA TAYO ARAW-ARAW, ilabas na ang mga cutters, mga pala, mga asarol, mga palakol at mga itak pati mga lagare! Gamitin mo ang mga tools ng prayer at meditation at faith and patience, kayang kaya mo ‘yan!!MAMUNGA KA, MAMULAKLAK KA, HUMALIMUYAK KA!!


Email me at vanidosa_timmy2008@yahoo.com
Happy birthday sa lahat ng mga JANUARY BIRTHDAY CELEBRANTS!! Happy birthday sa akin, birthday ko sa January 26! Blowout ko kayong lahat ng GOOD WISHES KO!! Ngayon at araw-araw pinauulanan ko kayo ng lahat ng makakabuti at makakapagpaligaya sa inyo! Happy January 20!!

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section