WEDNESDAY, JANUARY 16, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
TOP STORIES
SC justices sa cyber libel:
There is something wrong...

(Tina Mendoza/Noel Abuel)

 

Kapwa pinuna ng dalawang mahistrado ng Korte Suprema ang ilang mali sa probisyon patungkol sa kasong online libel na nakapaloob sa Cybercrime Law.


Sa naganap na oral argument kahapon sa SC (Supreme Court), sinabi Associate Justice Diosdado Peralta na pinabigat ng mga mambabatas ang parusa sa kasong libel sa ilalim ng Cybercrime Law subalit hindi naman nito ipinaliwanag kung ano ang naging batayan ng pagtaas ng parusa na ginawang anim na taon hanggang 12 taong pagkakulong mula sa dating anim na buwan hanggang anim na taong jail term.


“By increasing the pe­nalty by 1 degree, you are already providing for a different kind of libel but no new element was introduced... Section 7 is clearly infirm. There is something wrong with this,” puna pa ni Peralta.


Sinabi naman ni Associate Justice Teresita Leonardo de Castro na maaaring maharap sa dalawang beses na kaso ng libelo ang isang indibidwal sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) at Cybercrime Law dahil pinapayagan sa batas ang pagpapataw ng parusa sa paglabag sa RPC at special law.


Iginiit din ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares na paglabag sa karapatan laban sa double jeopardy kung kakasuhan ang isang indibidwal sa parehas na kaso.


Sa panig ni Justice Antonio Carpio, sinabi nitong dapat kalampagin ng Commission on Human Rights ang Kongreso para amyendahan ang probisyon patungkol sa online libel.


Ayon naman kina Gabriela partylist Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, na kahit ano pa ang maging desisyon ng SC sa oral argument ay ilalaban nila nang pukpukan ang pag-amyenda sa Cybercrime Law.


Maging ang Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ni Asst. Sec. Geronimo Sy na tumata­yong chairman ng Office of Cybercrime, ay nagsabing hindi na kailangang ipaloob ang kasong libelo sa Cybercrime Law dahil mayroon nang hiwalay na batas para rito sa loob ng RPC.





Become a fan on facebook
Follow us on twitter

FOREX
US Dollar 40.5899
Bahrain Dinar 107.657
Canadian Dollar 41.2380
Euro 54.2037
Australian Dollar42.8195
HK Dollar 5.23549
Japan Yen 0.456244
Saudi Riyal 10.8233
S’pore Dollar 33.1320
Taiwan Dollar 1.40220
UAE Dirham 11.0510
UK Pound 65.2316
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section