For your e-paper registration & subscription just click on the image below
 
 
GABAY NG DIYOS

Noynoy at Mar handang magpakalkal ng bank accounts
(Boyet Jadulco)

 

Upang matiyak na walang ibubulsa ang susunod na pangulo, panga­lawang pangulo at ang 4,000 appointees, kailangang isabatas ang panukala sa pagbubukas ng kanilang bank account.


Kung papalaring ma­nalo sa pampanguluhang halalan si Liberal Party (LP) standard bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III at ang running mate nitong si Sen. Mar Roxas, itutulak ng kanilang admi­nistrasyon ang pagpapatibay ng panukalang batas na ito.


Nakabinbin sa kasalu­kuyang Kongreso ang Senate Bill No. 225 ni Roxas dahil sa ayaw itong ipasa ng mga kaalyado ng administrasyon.


Layunin ng panukala na obligahin ang lahat ng elected at appointive public officials na lumagda sa isang waiver sa Bank Secrecy Act, ang batas na nagbabawal sa pagbusisi sa bank deposits kung walang court order.


Ipinaliwanag ni Roxas na mabibigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Ombudsman para suriin ang idineklara at itinatagong bank accounts, investment at deposits ng sinumang public official, ang kanyang asawa at mga anak na ang edad ay mababa sa 18 taon.


Nais din ni Roxas na bigyan ng kapangyarihan ang Ombudsman upang ipakuha ang lahat ng record kahit na sa pribadong kumpanya kung gumugulong na ang imbestigasyon ng corruption case sa isang public official.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section