|
Kung hindi kayang gampanan ni Sen. Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kanyang trabaho, nararapat na mag-resign na lamang ito sa kanyang trabaho.
Ito ang hamon ng mga mga kababaihan na sumusuporta sa Reproductive Health (RH) bill sa Kamara matapos “mayabangan” sa pahayag ng senador na mas gugustuhin niyang palitan siya sa kanyang puwesto kesa makitang maipasa ang kontrobersyal na panukala.
“If he doesn’t want to do his job, then he should resign,” pahayag ni Elizabeth Angsioco ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) na katuwang ng mga pro-RH
ongressmen sa pagsusulong sa nasabing panukalang batas.
Sagot naman ni Sotto sa giit na pagbibitiw, “Hindi ko sila pagbibigyan.”
Aniya, maaaring hindi lang sila nagkakaintindihan ng grupong ito sa RH bill kung kaya’t humantong ang kanilang panawagan sa pagbibitiw niya sa puwesto. |