For your e-paper registration & subscription just click on the image below
Pagtutol sa midnight appointment

 

Payo natin kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo: hinay-hinay sa pagpili ng kahalili ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno. Hayaan na lang sana ang mananalong presidente sa Mayo 10, 2010 na magdesisyon hinggil dito.


‘Pag nagretiro si Chief Justice Puno sa Mayo 17, meron nang napiling bagong pangulo ang taumbayan. Dapat siya na ang pumili ng bagong Chief Justice.


Bakit nga naman natin pangungunahan ang taumbayan? Sa Mayo 17 pa magreretiro si Chief Justice Puno; hindi naman yata tamang ngayon pa lamang po ay pina­ngangalandakan na ang ipipila sa puwesto.


Sa kanyang mga huling buwan sa Palasyo, umaasa ako na gagawin ng Pangulo kung ano ang tama.


Nakasaad po ito sa ating Saligang Batas. Sa Article VII Section 15 ng 1987 Constitution, sinasabing “Two months immediately before the next presidential elections and up to the end of his term, a President or Acting President shall not make appointments, except temporary appointments to executive positions when continued vacancies therein will prejudice public service or endanger public safety.”


Huwag na niya sanang guluhin ang usapan dahil malinaw ang sinasabi ng Konstitusyon: bawal ang anumang appointment sa panahon ng halalan.


Ang iniiwasan po rito ay ang mga tinatawag na “midnight appointments”, na maaaring pag-ugatan ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng ehekutibo sa resources ng gobyerno. Sabay nito, iniiwasan din na mabahiran ng pulitika ang mga institusyong hindi co-terminus sa Presidente. Kabilang dito ang ating Korte Suprema, na hiwalay na sangay ng gobyerno sa Pangulo.


Ang Pangulo, dapat pangalagaan ang integridad ng ating batas, imbes na paglaruan o paikutin pa ito.


Tinututulan po natin ang balak ni Gloria na ito; ito ang laban namin ni Senador Noynoy Aquino, at ito ang laban ng bawat Pilipino. Ang laban ng tapat ay laban ng lahat.


Para sa mga komento at tanong, maaaring mag-text sa 091706276927 o sa 0919-6276927 o mag-email sa mar@marroxas.com


 
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section