For your e-paper registration & subscription just click on the image below
Basta Liberal, mapagkakatiwalaan

 

Hindi lamang po tayo ang nagsasabi niyan, kundi ang buong sambayanan. “Basta Liberal, mapagkakatiwalaan,” ang hiyaw ng Pilipino, ayon sa huling survey na isinagawa ng pollster na si Pedro “Junie” Laylo Jr. para sa Manila Standard Today.


Base sa MST survey -- na nag-interbyu sa 2,500 res­pondents noong Disyembre 6 hanggang 10 at mayroong margin of error na plus or minus 2 percentage points -- 36% ng mga Pilipino ang nagsabing sila’y nagtitiwala sa Partido Liberal, na ang karamihan ay mula Southern Luzon (49%) at National Capital Region (40%).


Nagtala naman ng single-digit ratings ang iba pang partido: Partido ng Masang Pilipino, +7%; Nationalist People’s Coalition, +3%; Nacionalista Party, +4%; Lakas-Kampi-CMD, -0.1%; Bagumbayan Movement Volunteers for a New Philippines, +1%; Bangon Pilipinas, 0%; at Ang Kapatiran Party, -3%.


Tatlumpu’t anim na porsyento po ng mga Pilipino ang nakikiisa sa ating mga adhikain para sa tunay na reporma at pagbabago -- habang ang pinakamalapit naman sa mga katunggali natin ay 7 porsyento lamang ang naitala. Maraming salamat po.


Kabilang po sa ating “People’s Reform” senatorial slate sina LP chairman at dating Senate President Franklin Drilon, Rep. TG Guingona, Rep. Ruffy Biazon, Akbayan! Rep. Riza Hontiveros, dating Rep. Neric Acosta, dating NEDA chief Ralph Recto, dating Sen. Sergio Osmeña, detenidong si Brig. Gen. Danilo Lim, teacher na si Sonia Roco, lawyer na si Alex Lacson, Dr. Martin Bautista at women’s right advocate na si Yasmin Busran Lao.


Isa-isa po natin silang ipakikilala sa inyo sa mga pahinang ito sa mga darating na linggo. Sa ngayon, kaisa po namin ni Senador Noynoy ang ating mga senatoriable, at ang buong Partido, sa pasasalamat sa inyo. Natutuwa kami na napakalaki ng suporta at tiwala ng mga kababayan natin sa mga pagbabagong isinusulong ng Partido Liberal. Makaaasa kayong hinding-hindi namin kayo pababayaan. Hindi po namin sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa amin.


Magwawagi ang kabutihan sa kadiliman. Isapuso natin ‘yan at kumilos para makamtan natin ang Pilipinas na matagal na nating pinapangarap. Sa taong ito, maging masigasig tayong piliin ang konsensya kaysa ambisyon; prinsipyo kaysa mga hilaw na papuri; integridad kaysa kapangyarihan; at bayan bago sarili. Iyan po ang pinaninindigan natin. Iyan po ang pinaninindigan ng buong Partido Liberal ng Pilipinas.

Sapagkat basta Liberal, marangal.


Para sa mga komento at tanong, maaaring mag-text sa 091706276927 o sa 0919-6276927 o mag-email sa mar@marroxas.com


 
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section