Sa kabila ng katandaan, naglalaway pa rin
daw ang isang dating miyembro ng Upper House sa mga malalaswang
babasahin sa bansa.
Nabigla nga itong si Mang Teban nang makarating sa kanyang
impormasyon na adik pa rin sa malalaswang babasahin itong
ex-senator kahit na medyo gurang na at tila kailangan nang
gumamit ng droga sa pantukod kay manoy.
Marahil ay suki ng Playboy magazine noong kanyang kabataan
dahil hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang ating kababayang
pulitiko, lalo na kung may mga babaeng nagpapakita ng pribadong
parte ng kanilang katawan sa litrato.
Minsan daw kasi ay natiyempuhan ng ex-senator na ito ang kanyang
mga kaibigan na pinagpipiyestahan ang isang malaswang babasahin
kung saan nagpakita ng laman ang mga kilalang bold star sa
bansa.
Mistula nga raw hinubad ng ex-solon ang tawag sa kanyang “honorable”
nang makisalo sa pagbulatlat ng bawat pahina ng babasahing
ito, as in parang ngayon lamang niya nakita ang mga bold star
sa bansa.
Sa sobrang pagkahumaling ng dating mambabatas sa kanyang nakita,
aba’y inuwi pa sa kanyang bahay ang naturang babasahin,
sa katuwiran na isusumbong niya ito sa awtoridad.
Subalit lumipas na ang new moon at full moon, hindi na raw
naisipan ng dating mambabatas na isoli ang kanyang hiniram
na malaswang babasahin, aba’y tila nasarapan yata sa
pagbabasa lalo pa’t may mga litrato roon ng babae na
talagang wala nang saplot.
Naibalik din daw ang naturang babasahin sa may-ari matapos
ang mahabang panahon pero mukhang naluma na ito at pinagsawaan
sa katititig ng dating mambabatas.
Pintahan n’yo na: Ang dating mambabatas ay wala na raw
balak bumalik sa kapulungan dahil kuntento na ito sa buhay
niya ngayon. May letrang O sa kanyang pangalan at kilalang
landmark ito sa Metro Manila.
|