Oo niyog nga!
Malaking tulong ito upang maprotektahan ang ating puso. Dahil taglay
nito ang maraming saturated fat kaysa butter, maraming eksperto
ang naniniwalang ang sweet treat na ito ay nagreresulta sa clogged
arteries at heart disease. Gayunman, ayon sa pag-aaral na ang benepisyo
ng niyog ay nagbabalanse sa possible risks. Kahit pa ang niyog ay
walang masyadong saturated fat, mahigit sa 50 porsyento nito ay
luric acid.
Isang pag-aaral sa American Journal of Clinical Nutrition ang nag-ulat
na kahit pa ang lauric acid na nabanggit ay nagpapataas ng LDL (bad)
cholesterol, mas pinatataas nito ang HDL (good) cholesterol.
Ang iba pang 50 porsyentong saturated fat ay naglalaman ng fatty
acids na mayroong maliit o walang epekto sa cholesterol. Ang pagpapababa
sa lebel ng kolesterol ay isa lamang sa madaling paraan para makaiwas
sa sakit sa puso. Kaya dapat alalay pa rin sa pagkonsumo ng niyog.
|