DOHA, Qatar — Hangad ng
isa ang pananatili sa No. 1 ranking habang ang isa naman ay nais
mabawi ang top spot.
Ito ang mga misyong nais na kapwa matupad ng Kastilang si Rafael
Nadal at Swiss netter Roger Federer sa pagbubukas ng kanilang 2009
season sa Qatar Open.
Si Federer, na nangangailangan na lamang ng isang Grand Slam title
para mapantayan ang career record na 14 crowns ni Pete Sampras,
ay nagkampeon na sa Doha noong 2005 at ‘06.
Ngayong taon ay makakatapat niya si Potito Starace ng Italy at posibleng
muling makatagpo si defending champion Andy Murray sa semifinals.
Sinabi ni Federer na isa sa nais niyang makamit ngayong taon ay
ang muling okupahin ang top ranking. Tinalo niya si Murray sa U.S.
Open final para sa kanyang tanging Grand Slam title noong 2008 ngunit
inilaglag naman siya ng Briton noong Biyernes sa Capitala World
Tennis Championship semis sa United Arab Emirates.
Nanaig naman si Nadal sa French Open at Wimbledon sa nakaraang season
bago sungkitin ang Beijing Olympics gold.
Ang kasalukuyang No. 1 netter na si Nadal ay tinalo naman ni Murray
sa finals ng exhibition game sa UAE.
|