www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

6 Pinoy sa Gaza, bigong mailikas
(Aries Cano/Rose Miranda/Dindo Matining/AFP)

 

Isinusulat ang balitang ito ay hindi pa mailikas ang anim na Filipino - apat na bata, ina ng mga ito at isang madre - na naiipit ngayon sa tensyunadong teritoryo ng Gaza.


Ito'y dahil umano sa malaking peligro ng pagbibiyahe sa mga ito sa ganito kainit na sitwasyon, anang Department of Foreign Affairs (DFA).


"The six Filipino nationals were not able to join the Red Cross convoy taking them to the Eretz border crossing because of the dangerous and dire security situation near where they are staying. Upon the advice of security officials, all Filipino nationals were told to remain indoors," pahayag ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr.


Bunsod nito, walang nailikas na foreign nationals sa Gaza buong araw kahapon. "Efforts will continue in succeeding days to evacuate Filipino nationals who decide to leave Gaza," dagdag ni Conejos.


Bilang bahagi ng plano ng evacuation, ayon sa DFA, ang mga ililikas na Pinoy ay babantayan at sasamahan ng grupo ng Red Cross hanggang sa Eretz border kung saan sasalubungin ang mga ito ng mga opisyales ng Philippine Embassy.


Mula sa Eratz, susunduin naman sila ng mga bus para maihatid sa Allenby na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan.


Sa sandaling masiguro ng mga awtoridad sa Jordan na ligtas ang daraanan, bibiyahe naman papuntang Amman ang mga Pinoy bago tuluyang lumipad lulan ng Jordanian Airlines flight pabalik ng Pilipinas.


Bukod naman sa peligrosong biyahe, kinumpirma kahapon ng Malacañang na marami sa mga Filipinong nailabas na mula sa Gaza strip ang hindi mapilit ng Philippine authorities na bumalik sa Pilipinas.


Sinabi ni deputy presidential spokeswoman Lorelei Fajardo na karamihan sa mga Pinoy sa Gaza strip ay tumangging ilikas dahil ayaw nilang iwanan ang mga asawa nilang Palestino bukod pa sa natatakot na rin ang mga ito na umalis ng kabahayan dahil sa magulo nang situwasyon.


Kinumpirma rin ng palasyo na hindi natuloy ang nakatakdang sanang paglilikas sa 66 hanggang 70 Pinoy sa Gaza strip kahapon at sa halip ay anim lamang sa mga ito ang nagsabing handa nang umalis ngunit nabigong makasama sa convoy ng red cross palabas ng Gaza strip dahil na rin sa mainit na bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at Hamas group na pawang mga militanteng indibidwal sa Palestine.


Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na itutuloy pa rin ng Philippine government ang paglilikas sa mga Pinoy sa Gaza strip sa mga susunod na araw.


Kahapon ay hiniling ni Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman sa pamahalaan ng Pilipinas na kondenahin ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza kung saan maraming sibilyan na ang nadadamay at napapatay.


"This is plain and simple terrorism. Israel cannot hide behind its claim that they are only after the Hamas. They are targeting schools, malls, mosques, residences - these are civilian communities. All news reports have shown civilian casualties, including babies," ani Hataman.


Sumugod din kahapon sa embahada ng Israel sa Makati ang mga Filipino Muslims upang kondenahin ang karahasan at igiit na tapusin na ang pag-atake sa inosenteng mamamayan ng Gaza strip.


Maging ang organisasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na Migrante International ay bumatikos sa tinawag nilang "barbaric act" na pag-atake sa mga walang labang sibilyan.


Kaugnay nito, sinabi ng DFA na wala pang balak ang Pilipinas na magpatupad ng deployment ban ng mga Pinoy sa Israel at Palestine dahil sa ngayon ay nakasentro lamang sa iisang lugar ang karahasan.


Sa pinakahuling ulat, umaabot sa 130 target ang tinamaan ng Israeli Air Force sa magdamagang magdamagang atake lamang.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section