www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Rent control law palalawigin
(Dindo Matining)

 

May pag-asa pang pala­wigin ang Rent Control Law.


Ito ang pahayag kahapon ni House Speaker Prospero Nograles kasabay ng pagtitiyak na kanilang ihahain ang counterpat bill sa Senate Bill 2884 na layuning palawigin ang RA 9341 o Rent Control Law) hanggang January 6, 2009 ngayong araw (Martes).


Sinabi ni Nograles na kanyang inatasan si Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia, ang chairman ng House committee on hou­sing and urban development na madaliin ang paghahain ng counterpart bill upang mabalangkas kaagad ito sa Kamara.


“I have asked the committee chairman (Valencia) to file the counterpart bill immediately. It is expected to be filed on Tuesday,” ani Nograles sa kanyang text message.


Sa ilalim ng Rent Control Law, nililimitahan sa 10 porsyento ang taunang umento sa singil sa renta, gayundin ang paniningil ng mga landlords lagpas sa one-month advance at two months deposit, sa renta.


Sakop ng batas ang resi­dential units na may buwanang rentang hindi hihigit sa P10,000 sa Metro Manila at highly urbanized cities at maging ang hindi lalampas sa P5,000 sa lahat ng mga lugar sa bansa.


Sa ulat ng Natio­nal Sta­tistics Office (NSO) Census of Population and Hou­sing, umabot sa 1.54 milyong rental units sa bansa kung saan matatagpuan ang 687,048 sa Metro Manila.


Ang implementasyon ng tinaguriang rent control law ay hanggang 2008 lamang. Nauna nang naghain ng panukala sa Senado si Senator Juan Miguel Zubiri para sa tatlong taong extention ng naturang batas.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section