www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Scholarship sa guro at anak isinulong

(Dindo Mati­ning)

 

Upang maiwasan ang pag-a-abroad ng mga guro, iminungkahi ng dalawang kongresista na kabilang sa partylist group ang pagbibigay ng scholarship sa mga public school teachers at kanilang mga anak sa kabila ng kakarampot ng suweldo na tinatanggap nila sa kanilang trabaho.


Ayon kina CIBAC partylist Rep. Joe Villanueva at Cinchona Gonzales, naghain na sila ng isang panukala, ang House Bill 5627 o (Scholarship Grants to Public School Teachers and their Chidlren Act kung saan layunin nitong i-promote ang kapakanan ng mga guro para mahikayat silang manatili na lamang sa bansa para ipagpatuloy ang kanilang propesyon.


Sa ilalim ng kanilang panukala, ang isang public school teacher na akti­bo sa serbisyo sa dala­wang magkasunod na taon bago ang aplikasyon sa scholarship ay magiging eligible para mag-enrol sa anumang post-tertiary course na may kinalaman sa kanilang profession.


Para sa mga retiradong guro, maari rin silang mag-avail ng scholarship para sa kanilang mga anak. “Only a maximum of two legitimate children of retired teachers may avail of the grant,” ayon kay Villanueva.


Sinabi pa nito ma­laki ang maitutulong ng kanilang panukala dahil P12,000 lamang ang basic monthly salary ng mga ito bukod sa P2,500 na allowance na ibinibigay ng gobyerno.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section