www.abante-tonite.com
SUNDAY, JANUARY 06, 2008
 
 
 
 
LOTTO 6/42 DRAW

January 05, 2008

03-32-07-27-05-21

P9,655,311.60

4-DIGIT 3-2-7-2-3-7

3-DIGIT 7-9-8

2-DIGIT 04-04

 
GABAY NG DIYOS

Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.

JOHN 3:3

‘ALL SET’
Hindi lamang seguridad ang inilatag sa buong paligid ng Quiapo, Manila kundi pati na ang pa­ngangalaga sa kondisyon ng mga lansangan upang masigurong walang kapahamakang magaganap sa taunang prusisyon ng Black Nazarene sa kapistahan nito sa Enero 9. (Carlito Arenas)

PATI ISDA BOYKOT SA OIL HIKE
Nina NOEL ABUEL, BOYET JADULCO, JB SALARZON,
JULIET DE LOZA at TINA MENDOZA

 

Walang isda sa palengke!


Ito ang binitiwang banta kahapon ng ilang samahan ng mangingisda sa Pilipinas sa pangunguna ng militanteng grupong Pamalakaya bilang protesta sa para sa kanila’y hindi na makatarungang ha­laga ng langis.


Kung dati ay transport holiday lang ang ikinakasa para iprotesta ang sumisirit na oil prices, sa pagkakataong ito ay desidido ang mga ma­ngingisda na itigil ang ka­nilang panghuhuli ng mga produktong dagat upang iparamdam sa pamahalaan ang kanilang sentimiyento.


Binigyan-diin ni Fernando Hicap, national chairman ng Pamalakaya, na hindi lamang ang mass transport sector tulad ng jeep, bus at taxi ang apek­tado ng walang tigil na paglobo ng presyo ng langis sa bansa kundi sila man na gumagamit din ng produktong petrolyo sa kanilang mga bangkang pangisda.


Dahil dito, balak umano ng iba’t ibang grupo ng mga mangi­ngisda na ilarga ang ‘fish holiday’ o ‘fishless market’ bago matapos ang buwang ito.


Isasagawa umano ito sa iba’t ibang lalawigan ng bansa at kung hindi man matupad ang target na ‘zero fish’ sa mga pamilihan ay sisiguruhin ng mga mangingisdang mararamdaman ng pamahalaan ang kakapusan ng mga produktong dagat sa araw na iyon.


Kahapon ay kinastigo rin ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (Piston) ang panibagong plano ng mga kumpanya ng langis na muling magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto ngayong pumalo na sa US$100 kada bariles ng halaga ng krudo sa world market.


Sampal kay Reyes


Hinggil naman sa pagpapatawag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng isang energy summit, tahasang sinabi ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na isang malaking sampal ito kay Sec. Angelo Reyes ng Department of Energy (DOE) dahil lumilitaw na inutil ito sa kanyang tungkulin kaya’t kailangan pa ang isang summit para resolbahin ang oil crisis sa bansa.


Hindi rin naniniwala si Escudero na may positibong ibubunga ang natu­rang summit maliban sa kahihiyan para kay Reyes. “The summit will not accomplish anything other than to highlight the ignorance and incompetence of energy officials who need to call a summit just to find out what’s going on,” diin ng senador.


Sa halip na mag-aksaya ng panahon sa isang summit ay inirekomenda ni Escudero na rebyuhin na lamang ang Oil Deregulation Law upang mala­man kung sinasamantala na ito ng mga oil companies.


Sinuportahan din ni Escudero ang panukala ni Sen. Mar Roxas na isuspende nang anim na buwan ang pangongolekta ng pamahalaan ng expanded value added tax (EVAT) sa mga produktong petrolyo upang mapagaan ang ha­laga nito.


‘Wag magpanik


Ayon naman kay Reyes, ikinukonsidera na umano ng pamahalaan ang pagbabawas ng tariff sa oil products bilang alternatibong solusyon sa sumi­sirit na oil price sa world market.


Hinimok din ng kalihim ang publiko na huwag magpanik dahil kumikilos na umano ang gobyerno para saklolohan ang sambayanan sa isyu ng oil price hikes.


Libro ng oil firms ilalantad


Ipinasisilip na rin ni Reyes ang libro o financial statement ng mga kumpan­ya ng langis, partikular ang tinaguriang ‘Big 3’ (Petron, Shell at Chevron na dating Caltex).


Nabatid na may kinomisyon na umanong accounting firm, ang Sycip, Gorres and Velayo (SGV), at isinangkot din ang think-tank ng isang unibersidad, upang siyang sumilip sa libro ng mga kumpanya.


Layunin umano nito na madetermina kung may pang-aabuso sa bahagi ng mga oil firms at kung tunay na minamanipula ng mga ito ang industriya na mahigpit na ipinagbaba­wal ng Oil Deregulation Law.


“Nirerepaso ang submissions ng Petron, Shell at Chevron. Ang objective natin is to come to an assessment of reasonableness of their prices. I would expect by the middle of this month matatapos ng University of Asia and the Pacific and SGV (ang assessment),” ani Reyes.


Idinagdag pa ng kalihim na maging ang maliliit na kumpanya ng la­ngis at tinatawag na new pla­yers ay hindi rin pali­ligtasin sa financial review upang malaman kung totoong nagkakaroon ng overpricing ng langis sa lokal na merkado.

 
 
EXCHANGE RATE

 

(01/04/2007as of 5:23 PM)

US Dollar 41.09
Bahrain Dinar 109.42
Euro 60.39
HK Dollar 5.26
Japan Yen 0.37
Saudi Riyal 10.96
S’pore Dollar 28.64
Taiwan Dollar 1.26
UAE Dirham 11.19
UK Pound 81.26

 

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section