ZAMBOANGA CITY --- Makaraan
ang halos dalawang buwang pagkakabihag sa Mindanao, inihayag ng
New People’s Army (NPA) ang pagpapalaya sa isang Army special
force commander.
Sinabi ng mga rebelde na ang pagpapalaya kay First Lt. Vicente Cammayo
ay isang “act of goodwill” bilang bahagi ng tuluy-tuloy
na pagdiriwang ng kanilang ika-40 na anibersaryo.
Si Cammayo ay nabihag noong Nobyembre 7 matapos makasagupa ang grupo
ng mga rebelde kung saan ay dalawang tropa nito at isang militia
ang nasawi sa Bgy. Casoon sa bayan ng Monkay, Compostela Valley.
Nasamsam din ng NPA ang iba’t ibang armas mula sa grupo ni
Cammayo, kabilang ang isang M60 machine gun.
Naunang pinalaya ng NPA noong bisperas ng Pasko ang isa pang bihag
na si PO3 Eduardo Tumol, na nasilo rin noong Nobyembre 5 sa isang
checkpoint sa Bgy. Baogo sa bayan ng Caraga, Davao Oriental.
“POW Cammayo’s release is an act of goodwill on account
of the continuing celebration of the 40th anniversary of the Communist
Party of the Philippines. The decision is also anchored on humanitarian
grounds,” ani Rigoberto Sanchez, NPA spokesman.
Sinabi ni Sanchez sa susunod na linggo ay makakabalik na si Cammayo
sa kanyang pamilya. Si Cammayo ang commander ng 11th Company ng
Army’s 3rd Special Forces.
|