Nasawi ang isang binatilyo habang pito pa ang
nawawala at mahigit 7,000 ang apektado ng malawakang pagbaha sa
Cagayan de Oro bunsod ng patuloy na pag-ulan sa nasabing lalawigan.
Kinilala ang nasawi na si Rogeden Andig, 12, at residente ng Barangay
24, Gingoog City.
Samantala, umaabot naman sa 1,495 pamilya na katumbas ng 7,064
indibidwal na residente ng Barangay 19, 20 at Santiago, ng nabanggit
na lungsod ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.
Ilang araw na umano ang pag-ulan sa lugar na dahilan ng malawakang
pagbaha at maliliit na landslides.
Patuloy naman ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang matulungan
ang mga sinalanta ng kalamidad.
|