www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

66 Pinoy sa Gaza balik-‘Pinas ngayon

(Rose Miranda/Armida Rico)

 

Ililikas na ngayong araw ang may 66 Filipino mula sa Gaza strip
area pabalik ng Pilipinas dahil sa patuloy na pag-atake ng mga Israeli for­ces sa nasabing teritoryo.


Ito ang inihayag kahapon ni Press Secretary Jesus Dureza matapos na ma-impormahan hinggil sa nasabing bagay ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Esteban Conejos.


Ayon sa Malacañang, ngayong araw sisimulan ang aktuwal na paglilikas sa nasabing bilang ng mga Pinoy kung saan mula sa Gaza strip ay daraanan ng mga ito bilang stop-over ang Omman, Jordan bago dumeretso pabalik ng Pili­pinas.


Napag-alaman na ka­ramihan sa mga ililikas ay nakapangasawa na ng mga Palestino kung kaya matagal na nanirahan sa Gaza strip ngunit nagdesisyon na umalis sa lugar sa takot na rin na mapahamak dahil sa umiigting na opensiba ng Israel forces laban sa mga Palestinian militants sa nasabing lugar.


Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), naka-booked na ang flights ng nasabing 66 Pinoy.


“We have booked flights for 66 Filipino nationals who have agreed to leave Gaza and be repatriated to the Philippines,” ani Conejos.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section