SATURDAY, JANUARY 05, 2008
 
 
 
 
MEGA LOTTO 6/45 DRAW

January 04, 2008

42-37-32-25-34-27

P39,420,999.00

4-DIGIT 5-8-7-0

3-DIGIT 0-3-7

2-DIGIT 25-10

 
GABAY NG DIYOS

Sapagka’t dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka’t inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Diyos, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Diyos; at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Diyos ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.

JEREMIAH 42:20

 
GMA, ‘breath of life’ hindi ‘kiss of death’ -- Palasyo
Ni Rose Miranda

 

Inilarawan kahapon ng Malacañang na “breath of life” si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng sinumang presidential candidate na bebendisyunan nito sa 2010.


Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Management Staff (PMS) chief Sec. Cerge Remonde bilang reaksyon sa patutsada ng oposisyon na “kiss of death” ang basbas ng Pangulo sa sinumang kandidato.


Ngunit maagap na sinabi ni Remonde na sa ngayon ay wala pa talagang napipisil ang Pangulo na standard bearer ng administrasyon.


Bagama’t sinabi ng opisyal na malaki ang bentahe ni Vice President Noli De Castro sa hanay ng iba pang presidentiables sa bakuran ng administrasyon dahil sa matagal na exposure at pagiging popular nito sa tao bukod pa sa ipinakita nitong katapatan sa pamahalaang Arroyo, hindi pa rin umano maisasantabi ang iba pang contender tulad nina Defense Sec. Gilberto Teodoro, MMDA chairman Bayani ‘BF’ Fernando at Quezon City Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte.


Inamin naman ni Teodoro kahapon na sumasagi rin sa kanyang isipan ang ideya ng pagsabak sa 2010 presidential elections ngunit sa ngayon ay wala umano siyang prayoridad kundi ang mapagsilbihan ang sambayanan sa tanggapang kanyang inookupa (Department of National Defense) at isakatuparan ang mga programang iniatang sa kanya ng Pangulo.


Lakas, bukas kay Ping


Samantala, sinabi ni chief presidential legal adviser Sergio Apostol na handa umano ang ruling party Lakas Christian-Muslim Democrats (CMD) na ampunin si Sen. Panfilo Lacson sakaling magpasya itong talikuran ang political opposition.


“Yes, open kami... Depende sa terms and conditions if acceptable to Lacson and Lakas, why not?,” ani Apostol sa isang phone interview.


Atat na sa pagbaba ni GMA


Kaugnay naman ng maagang pagtutok ng lahat sa 2010 elections, sinabi ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na isang indikasyon ito na marami na ang ‘atat’ o nasasabik na mapababa sa Malacañang si Arroyo.


Naniniwala naman ang solon na mayroong sapat na dahilan ang taumbayan para naisin na ang pag-alis ng Pangulo sa puwesto at ilan dito ay ang patuloy na paghihirap ng taumbayan, laganap na katiwalian at lantarang paglulustay ng pera ng bayan para lamang manatili sa kapangyarihan tulad ng mga isyu ng ‘suhulan’ at ‘paglalamyerda’ sa Europa ng sanlaksang kabig.


Mar sa LP pinalagan ni Kiko


Sa paglutang naman ng pangalan ni Sen. Mar Roxas bilang namumurong standard bearer ng Liberal Party (LP) sa 2010, tahasang sinabi ni Senate majority leader Francis ‘Kiko’ Pangilinan, dating chairman ng lapian, na kailangan munang dumaan sa selection process si Roxas bago ito bitbitin sa pampanguluhang halalan.


Ngunit sa panig ni Roxas, sinabi nitong hindi niya pinoproblema sa ngayon ang 2010 dahil napakalayo pa umano nito. Prayoridad umano niya ang pagsusulong ng mga panukalang inaakala niyang direktang magpapagaan sa kahirapan at mabigat na dalahin ng sambayanan. (With Nilo Marasigan/Eralyn Prado/Boyet Jadulco)

 
 
EXCHANGE RATE

 

(01/04/2007as of 5:23 PM)

US Dollar 41.09
Bahrain Dinar 109.42
Euro 60.39
HK Dollar 5.26
Japan Yen 0.37
Saudi Riyal 10.96
S’pore Dollar 28.64
Taiwan Dollar 1.26
UAE Dirham 11.19
UK Pound 81.26

 

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section