www.abante-tonite.com
 
 
 
ni Gilda Olivado

 

MALINAW ang hatol ni Marian sa naging kaso ni Isagani kay Felicitas -- ang binata ay Not Guilty, absuwelto sa nagawang imoralidad.


Parang naging abogada ni Isagani si Marian na nagdedepensa sa binatang alkalde.


“Hindi ka dapat sisihin ng Teresing na ‘yon! ‘Yung ate niyang may asawa at matured ang nang-seduce sa iyo, klaro ‘yon, Isagani! Tama ka, ikaw ay menor de-edad noon samantalang ang Felicitas na ‘yon ay nasa edad at legally married!


“Therefore, it was Felicitas who committed adultery! Ikaw ang kinorrupt niya at ikaw ang dapat maghabla sa hukuman laban sa babaing ‘yon!”

mahabang depensa ni Marian pabor kay Isagani.


Napalunok si Isagani, hindi makapaniwalang ipagtatanggol pa pala siya ng babaing tunay na minamahal. “G-gano’n?”


“Yes, gano’n, Isagani. Kaya hindi mo kailangang tanggapin ang akusasyon ng Teresing na ‘yon! Taas noo ka dapat, ikaw ang deprived party. Biniktima ka ng malan­ding si Felicitas!” matatag na deklara ni Marian.


“I-Iyan din naman ang paniwala ko, Marian. Kulang si Felicitas ng pagmamahal sa husband niya, pati ako ay...pinatos.”


“Teka, nag-sorry ka ba kay Teresing?”


“Wala akong natatandaang nag-sorry ako sa kanya, Marian...”


“Ano lang ang ginawa mo?”


“Nagpaliwanag. Gaya ng sinabi ko sa iyo.”


Duda ang dalaga. “E, bakit makahulugan ang ngiti ng bruhang ‘yon nang tapunan ako ng tingin?”


Umiwas ang mga mata ng binata. Masasabi ba niya kay Marian na napaamo niya si Teresing? Na ito ay nagpa­yakap at yumakap at nagpahalik pa sa buhok at sa pisngi?


Na siya ay pinatawad nito matapos niyang ma­ngakong hindi na mauulit ang kasalanan kahit magkita sila ni Felicitas in the future?


“Isagani? Hello?”


“H-ha? Ano na nga ‘yon, Marian?”


“Bakit mukhang maligaya ang bruhang si Teresing nang lumabas ng tanggapan mo? ‘Di ba dapat e galit na galit?”


“Galit na galit ‘yon...ininsulto pa nga ako. Katulad ko raw ang Polar brilginto na kulang sa... tigas...”


“Oh my gosh! Hindi ka nabastusan?”


“Namula nga ako, Marian. Wala lang, pi­nalampas ko. Sa iyon ang impression niya, e.” Half-truth lang ang sinasabi ni Isagani. Nahawa na ba siya sa mga pulitikong sanay magtago ng buong katotohanan?


Napabuntunghininga si Marian, wala sa loob na hinagod sa pisngi ang binata. Ayaw na ayaw niyang naaapi ito, laluna ni Teresing.


Nagkatitigan sila, buong pagkagiliw.


Naghinang ang ka­nilang mga labi, so tenderly. (ITUTULOY)

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section