Coffee table book ng EN Barong Filipino available na



Ang magkaroon ng libro hinggil sa barong tagalong ay inaasam-asam ng mga tao sa likod ng EN Barong Filipino, isang boutique chain na bihasa sa mga garment gaya ng ready-to-wear, na nagsimulang umarangkada noong 1961.


Si Felicidad Eguia Nadres, ang founder ng EN Barong Filipino na nagsimula sa ibaba bago kinilala. Isa siyang probinsyana, tindera sa palengke, salesgirl sa Cubao department store. “I’m still a nobody,” pagpapakumbaba ni Nadres.


Nang pasinayaan ang Garment of Honor, Garment of Identity noong Disyembre 2, sa Mall of Asia’s level Atrium, hindi lamang ito fulfillment sa pangarap ni Fely Nadre. Higit sa anopaman, ang libro ay isang testament sa iba pang negosyanteng tulad niya, na part at parcel ng barong Filipino sa patuloy na pagdebelop ng kanilang negosyo sa nasabing industriya.


Tulad ng mga ito ay sina master weavers sa delicate pina fabric sa Aklan, Capiz at Iloilo… jusi (silk) weavers sa Bulacan at Negros Occidental…

embroidery gurus sa Taal, Lumban, at Molo- lahat sila may kani-kaniyang kuwento na kahanga-hanga. May mga NGOs at religious orders na tumulong sa pag-introduce ng new approaches sa pagpapaganda sa barong, evolution from fiber to fabric to fashion, na naging bahagi ng librong nabanggit.


Para sa direct orders, mag-email sa garmentofhonor@gmail.com o tumawag sa Barong Filipino sa Tel. Nos: (632) 920-4952. Para karagdagang detalye, mag log on sa www.enbarongfilipino.com.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section