FRIDAY, JANUARY 04, 2008
 
 
 
 
SUPERLOTTO 6/49 DRAW

January 03, 2008

44-27-33-36-12-23

P60,918,285.60

6-DIGIT 6-5-9-8-34

3-DIGIT 4-3-1

2-DIGIT 30-02

 
Makapal na usok ang tumambad sa mga rumespondeng bumbero matapos magkasunog sa Galleria Bac­laran Shopping Mall na umabot ng 10-oras at tumupok sa mahigit P90M. (Leo Suguitan)
NAGALIT SA KA-LIVE IN, STEPDAUGHTER KINATAY
Ni Armida Rico

Dahil sa sobrang galit ng isang 25-anyos na Bicolano sa kanyang ka-live in, ibinunton nito ang init ng ulo sa 2-anyos na anak sa unang asawa ng kinakasama nang pagsasaksakin niya ito hanggang sa mamatay kamakalawa sa Muntinlupa City.


Dead-on-arrival sa Babaran-Echavez Clinic si Rosvie Irish Verdeflor nang isugod ng kanyang tiyahin dakong alas-nuwebe ng gabi sa natu­rang klinika makaraang matagpuan ang duguang katawan ng bata sa ilalim ng kama sa Pulong Silangan, Poblacion, sa naturang lungsod. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na amain ng biktima na si Randy De Claro, jobless, na mabilis tumakas matapos ang pamamaslang.


Sa imbestigasyon ni PO2 Perla Venus, ng Women’s and Children Protection Center (WCPC) ng Muntinlupa City Police, nagkaroon umano ng pagtatalo sina De Claro at kinakasamang si Regina Dasigao nang umuwi ang lalaki sa kanilang tirahan dakong alas-8:30 ng gabi.


Lasing umano ang suspect at inatake ng selos kaya ipinasya ng kapatid na babae ng ginang na dalhin muna sa kanilang bahay ang pamangkin upang hindi madamay sa pag-aaway ng dalawa.


Sumunod umano si Regina sa kapatid upang takasan ang bangis ng ka-live in subalit sinundan sila ng lalaki at sapilitang kinuha ang bata at iniuwi sa kanilang tirahan.


Kinabahan umano ang kapatid ni Regina na baka saktan ng suspect ang kanyang pamangkin kaya lakas-loob niyang binalikan ang bata sa bahay ng kapatid hanggang sa makita ang duguang sanggol sa ilalim ng kama na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

 
 
 
 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section