Handang-handa nang tumumbok
si Efren “Bata” Reyes at ang kanyang matalik na kaibigang
si dating world no. 1 Francisco “Django” Bustamante
sa 2007 Derby City Classic na sasargo sa Enero 4-17, sa Executive
West Hotel sa Louisville, Kentucky, ang hometown ni American boxing
legend at world champion Muhammad Ali.
Ang 53-anyos na buhay na alamat ng bilyar ay lalahok sa mga events
na Derby City One Pocket Division, Derby City Bank Division, Derby
City 9-ball Division, Derby City Ring Game at Derby City Master
of the Table.
“Naghanda talaga ako dito dahil alam kong sasabak ang mga
pinakamagagaling na player sa buong mundo sa prestihiyosong
torneong ito,” ani Reyes sa Filipino.
Si Reyes ang tinanghal na kampeon sa Derby City Classic Master of
the Table Bonus noong nakaraang taon at nagbulsa ng $20,000.
Nakumpleto naman ang 1-2-3 finish sa last year’s edition ng
kunin nina Rodolfo “Boy Samson” Luat at Bustamante ang
nalalabing top three position. Kampeon din si Reyes sa one pocket
division.
Ang iba pang Filipino na lalahok sa annual Derby City Classic ay
sina Luat, Ramil “Bebeng” Gallego at Warren Kiamco ng
rising Negros Billiard Stable.
Tiwala naman si RP billiards patron Aristeo “Putch”
Puyat na magiging maganda ang performance ng Filipino pool sharks
sa nasabing competition.
“I’m confident na magiging maganda ulit ang performance
ng mga player natin sa Kentucky. “‘Yung one pocket event
malaki pag-asa natin na mapanatili ‘yan kasi si Efren (Reyes)
ang pinakamagaling sa event na ‘yan at forte niya ‘yan,”
ani Puyat.
|