|
KINUKUMBINSI pa rin
si Ara Mina na pumasok sa pulitika ngayong taon, pero hindi pa rin
makapagdesisyon ang dalaga.
"Marami silang
nagku-convince sa akin pero parang hindi pa ako desidido. Parang
mahirap pumasok diyan," sabi ni Ara nang makausap namin sa
isang corporate party.
Pero hindi kaya
isipin ng iba na may bahid ng pulitika ang gagawin niyang concert sa
Araneta Coliseum sa Feb. 3?
"Ay, huwag naman!
May foundation naman ako at ang intensyon ko ay makatulong sa mga
batang maysakit. Huwag naman nilang gawan ng isyu ‘yon,"
rason pa ng aktres.
After ng concert,
isang movie ang nakatakdang gawin ni Ara. Kagagaling din pala niya
sa Europe kung saan nagkaroon sila ng show ni Janno Gibbs.
"Super-lamig
doon! Umuuusok nga ‘yung bibig namin dahil sa lamig. Sayang nga
lang at wala pang GMA doon.
"Kilala ng mga
Pinoy roon ‘yung mga artistang gumagawa ng movies pero ‘yung mga
baguhang artista ngayon na sa TV madalas makita, hindi kilala ng mga
kababayan natin," kuwento naman ni Ara.
Gusto sana naming
tanungin si Ara tungkol sa reaksyon niya sa tsismis sa boyfriend
niyang si Polo Ravales at Jennylyn Mercado pero minabuti naming
isaamin na lang, kasi, natsipan kami sa isyu.
But one of these
days, isang pakikipag-usap sa isang importanteng tao ang gagawin ni
Ara, na kung saan ang taong ‘yon ay na-involved din ang isang
taong malapit sa kanya.
***
Puspusan na ang pagti-taping
ng Super Twins na bida si Nadine Samonte. Lagare nga si Nadine sa
taping ng Bakekang, kaya hilong-talilong din ang drama ng dalaga.
Kaya naman unti-unti
nang nireremedyuhan ng writers ng Bakekang ang gagawin sa character
ni Nadine. Ang balita namin, either papupuntahin sa States si Nadine
sa pag-alis niya sa Bakekang o di kaya ay patayin ang character niya.
Anuman ang gawin sa
katauhan ni Nadine sa Bakekang, naging maganda rin ang exposure niya
sa series lalo na’t sinasabing mas bagay siyang Kristal kesa kay
Lovi, huh!
***
Impressive ang dating
ng bagong OBB (opening billboard) ng Eat Bulaga na ipinakita nu’ng
New Year’s episode ng programa. Kumpleto pa rin sina Tito, Vic and
Joey pati na ang buong dabarkads na nagdadagdag-kasiyahan sa
programa.
Kinunan ito last year
at akala nga namin ay ipalalabas agad. Hinintay pala muna ang Bagong
Taon bago inilabas, huh!
Of course, isa lang
ang bagong OBB ng Bulaga sa mga pagbabagong mapapanood ninyo sa
programa ngayong 2007!
***
Hindi umasa si Lorna
Tolentino na mananalo ng award nu’ng nakaraang Gabi ng Parangal ng
film festival para sa pelikulang Mano Po 5.
"At least,
nakakuha naman kami ng ilang awards. Eh, ‘yung character ko naman
sa movie, iilan lang talaga ang puwedeng maka-identify sa character
ko.
"Hindi talaga
Pinoy tulad ng role ni Gina Pareño sa Kasal, Kasali, Kasalo,"
pahayag ni Lorna sa amin.
After mag-present nga
ni LT, hindi na niya tinapos ang awards rites at dumiretso siya sa
Zirkoh-Greenhils upang samahan ang mga kaibigang panoorin ang show
nina Jose, Wally at Teri.
At least sa show, masaya siyang
humalakhak at wala pang kontrobersyang makukuha, ‘no! |