WEDNESDAY, JANUARY 02, 2008
 
 

SUPERLOTTO 6/49 Draw December 30, 2007

29-47-12-25-45-28

P50,468,706.00

3-Digit 9-2-7
2-Digit 11-29

 

MAAPOY NA BAGONG TAON
Malungkot ang unang araw ng 2008 para sa daan-daang pamilyang residente ng Parola, Tondo sa lungsod ng Maynila matapos lamunin ng apoy ang kanilang magkakadikit na barung-barong kahapon. (Devery Alegata)
Water hike paunti-unti
Ni Al Jacinto

Inihayag ng Ayala-owned Manila Water Co. Inc., na staggered o pa­konti-konti ang gagawing pagpapatupad ng kanilang dagdag singil simula Enero 2008 para sa mga residential consumers sa east zone ng Metro Manila.


Ayon sa Manila Water ang staggered rate increase plan ay inapruba­han ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), layon umano nito na maibsan ang matinding epekto sa mga customer ng dagdag singil lalo na sa kanilang mga residential at low-in­come customers na halos kumakatawan sa 90% nilang kabuuang custo­mers.


“The rate increase will be staggered for the first three months of 2008. Instead of the full P2.08 increase, residential users consuming about 30 cubic meters per month or one cubic meter per day will be charged P0.69 or only a third of the published rate beginning January” ayon sa Manila Water.


Ang dagdag na P0.69 ay idadagdag sa buwan ng Pebrero habang ang natitirang P0.70 ay sa buwan ng Marso.


“The full increase will be implemented by April 2008” paliwanag pa ng kumpanya. (Tina Mendoza)

 
EXCHANGE RATES
December 31, 2007 - as of 10:00PM Sunday

US DOLLAR = 41.24PHP
Bahrain Dinars = 109.77 PHP
Euro = 60.81 PHP
Hong Kong Dollars = 5.28 PHP
Japan Yen = 0.37 PHP
Saudi Arabia Riyals = 11.00 PHP
Singapore Dollars = 28.52 PHP
Taiwan New Dollars = 1.27 PHP
UAE Dirhams = 11.23 PHP
UK Pounds = 82.20 PHP

GABAY NG DIYOS
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.

Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti, huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sumasaiyo saan ka man pumaroon.

JOSHUA 1:8-9

 
 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section