NAGMISTULANG
“big star” si Madam Auring nang mag-guest ito sa Showbiz
Central noong Linggo dahil mahaba ang kanyang exposure.
Ang lie-detector machine ang humusga kung truth or lie ang mga hula
ni Madam Auring.
In fairness sa manghuhula na hindi umaarte nang naaayon sa kanyang
edad, mas lamang ang truth na resulta ng lie-detector test kumpara
sa lie.
Believable na sana ang mga hula ni Madam Auring pero sumablay siya
nang sabihin niya ang pangalan ni Rufa Mae Quinto.
Hindi nahulaan ni Madam Auring na walang letter “S”
ang apelyido ni Rufa Mae na buong ningning niyang tinawag na Rufa
Mae Quintos!
***
Madalas na nag-aaway ang aktor at ang aktres na magkarelasyon.
Nag-aalala ang mga kaibigan nila na baka mauwi rin sa hiwalayan
ang kanilang relasyon.
Maraming isinakripisyo ang dalawa (kasama na ang kanilang mga career)
nang dahil sa pag-ibig nila sa isa’t isa.
Madalas na sinasabi ng aktor na ang aktres na ang kanyang gustong
makasama sa habambuhay pero malabo itong matupad kung palagi silang
hindi nagkakasundo.
***
Hati ang reaksyon ng publiko tungkol sa nabuhay na iringan nina
Carlene Aguilar at Dennis Trillo.
May mga kumakampi kay Carlene at may mga pumapabor kay Dennis.
Kanya-kanya sila ng mga opinyon pero iisa ang tinutumbok ng kanilang
mga reaksyon, dapat pag-usapan nina Carlene at Dennis ang kanilang
problema, in private at hindi sa media.
Kung may kinalaman ang isyu sa monthly support ni Dennis sa kanilang
anak, dalhin nila ang kaso sa korte.
***
Ang taping ng Volta: The Series ang pinagkakaabalahan ni Ai Ai delas
Alas.
Si Volta ang Pinoy Superhero at pelikula ng Star Cinema na pinagbidahan
ni Ai Ai at ginawang TV series ng ABS-CBN.
Kabilang ang Volta: The Series sa mga bagong TV show ng ABS-CBN
na mapapanood ngayong 2008.
Ayon sa Corporate PR ng ABS-CBN, mas maliwanag at mas bongga ang
Volta kumpara sa fireworks at ilaw na sasalubong sa Bagong Taon.
Excited na si Ai Ai sa TV remake ng Volta dahil muli niyang makakasama
ang original cast ng pelikula at ang kanyang favorite director na
si Wenn Deramas.
Lalo raw pinaganda ang kuwento ng Volta para sa kasiyahan ng televiewers.
Binago rin ang costume ni Ai Ai para lalo siyang maging seksi sa
paningin ng manonood.
Ang Volta ay kuwento ng isang dalagang mananahi na nagkaroon ng
kapangyarihan nang makuryente siya.
***
Pinabulaanan ng publicist ni Nicole Kidman ang balita na buntis
siya.
“Urban myth” daw ang balita na kumalat during the silly
season.
May ginagawang pelikula si Nicole sa Australia at kasama niya rito
ang kanyang buong pamilya.
Isang tabloid sa London ang unang naglabas ng balita na buntis ang
ex-wife ni Tom Cruise. Ibinalita ng Daily Mail na noong Pasko, ipinagtapat
ni Nicole at ng kanyang asawang si Keith Urban sa kanilang pamilya
na malapit na silang magkaroon ng anak.
***
Nagbukas kahapon sa mga sinehan ang tatlo sa siyam na pelikula na
kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Desperadas, Banal
at Anak ng Kumander.
More or less, may idea na ang mga tao kung alin sa tatlong pelikula
ang nanguguna sa box-office race.
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|